Amber Pov Napabuga ako ng malakas na hangin pagkapasok namin ni Phil sa aming silid. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako nakahinga ng maayos. Masyadong naman kasing nakaka-tense ang mga tao sa loob ng bahay na ito. Parang gusto ko nang mag-empaki at tumakbo palabas ng bahay ni Phil. Ngunit hindi ako ganoong tao. Hindi ako umaatras gaano man kahirap ang sitwasyon. "Nakilala mo na si Uncle Jigo, Amber. Dapat kang mag-ingat kapag siya ang kausap mo," kausap sa akin ni Phil matapos maupo sa mahabang sofa. "Tiyak na gagawin niya ang lahat para mapatunayan na tama ang hinala niya." "Hindi lang naman ang uncle mo ang dapat akong mag-ingat kundi pati na rin ang tita mo. Masyadong mapaghinala. Pakiramdam ko ay malalaman niya ang totoo anumang oras," sagot ko kay Phil. Naupo rin ako sa mahabang sofa

