CHAPTER 2: TURNING THE TABLES

1236 Words
                Doon natapos ang relasyon namin ni Chad. Pero para sa mga magulang ko hindi pa iyon tapos. Hindi nalaman ng mga magulang ko ang panlolokong ginawa niya sa akin, kahit pa si Kuya. Kaya naman boto pa rin sila kay Chad.                 “Oh, bakit hindi ka nakaimik diyan?” ang sabi ni Georgina.                 Tumingin lang ako sa kaniya, I can’t deny kasi totoo.                 “Nako! Maxibella! Sinasabi ko na nga ba, hindi pa rin sila nakakamove-on hano?” ang sabi niya muli na parang imbestigador kung makapag-usisa.                 “Eh kasi naman Georgina! Pilit pa rin sila ng pilit na makipagbalikan daw ako o kaya naman kausapin ko, or kamustahin. Like what? Why? Bakit ko kakausapin ‘yong manloloko na ‘yon?” ang sagot ko sa kaniya na may pagkairita.                 “Well, huwag ka na nga lang pumunta,” ang wika niya.                 “And also I’m busy in my business,” ang sabi ko sa kaniya sabay tawa.                 “Anong business naman Bella?” ang tanong niya.                 Tiningnan ko lamang siya at ipinakita ang larawan ng isang lalaki.                 “Hey! Bella! Don’t tell me nanliligaw sa iyo itong si Frank?” ang sabi ni Georgina nang may pagkamangha sa mukha.                 “Why? Manghang-mangha lang Girl?” ang sagot ko sa kaniya.                 Hindi pa siya nagsasalita ay natawa na ako sa reaksyon niya. What more kung nalaman niyang hindi lang basta nanliligaw.                 “Hindi naman na siya nanliligaw Georgina. Hello? Patatagalin ko pa ba mukhang gustong-gusto naman ako no’ng tao hano! Ha ha ha!” I said and just smile at her.                 Halata ang pagkagulat sa mukha ni Georgina dahil kahit singkit siya ay namilog ang kaniyang mata sa nalaman niya.                 “WHAT?” ang tanong niya nang may pagkagulat.                 Frank is from the other class. Matalino kaya puro aral lang ang inaatupag ang pagkakaalam ko ako palang ang niligawan niya. At nakuha ko na naman ang titulong first girlfriend.                 “Alam ba ‘to nila Tito and Tita? For sure they will be happy for you, at malay mo hindi ka na nila ipilit kay Chad kapag nalaman nila ang tungkol dito. Frank is a good man naman and matalino siya. Siya ay galing sa kilalang pamilya. Mukhang magugustuhan siya ng Daddy mo,” ang sabi ni Georgina.                 “Nope, hindi ko sasabihin sa kanila ang tungkol dito because… ahmm, well I think you know the reason why,” ang sabi ko sa kaniya habang nakatitig sa phone ko.                 “Why? Oh my! Bella don’t tell me isinabay mo siya with the other guy? What’s the name again?” ang tanong niya na nagtataka.                 “Marco,” ang maikli kong sagot sa kaniya.                 Marco is a basketball player and a math genius, but like Frank hindi sila ang mga type kong lalaki.                 Pero bakit ko sila sinagot? Kasi gusto nila ko, kaya nga nila ko niligawan in the first place hindi ba. And I know every guy gusto nilang maexperience ang maging boyfriend sila ng nililigawan nila. I am just helping them para naman maranasan nilang hindi mabusted.                 Si Marco ay ang kasalukuyang Boyfriend ko sa ngayon. Pero malapit ko na rin naman hiwalayan ‘yon kasi it’s almost 4 months na rin. Hindi ko na lang pinaghintay pa si Frank kaya nagkasabay sila pero soon iiwan ko rin siya.                 Do you think I’m bad?                 I am just doing this for them, maghahanap lang rin naman sila ng panibagong babae kapag nagsawa na sila kaya bakit pa ko magseseryoso?                 “Hay nako, ang lupit mo. Lahat ng nanligaw sa’yo sinagot mo, napapaikot mo silang lahat,” ang wika ni Georgina.                 “Girl, wake up! Lahat sila magsasawa rin, lahat sila darating ang oras na maghahanap ng iba. Wala ng matino ngayon ano ka ba,” ang sabi ko habang tinatapik ang balikat niya.                 “But Dex is different, iba siya kaya huwag mong lahatin,” ang sagot niya sa akin.                 “Ilang taon mo na bang boyfriend si Dex?” ang tanong ko kay Georgina.                 “Tatlo,” ang maikli niyang sagot sa akin.                 “Tatlo palang! Hintayin mo Georgina, tignan natin. But don’t get me wrong I am happy when you are happy. I really am,” ang sabi ko sa kaniya.                 “Salamat, sana makahanap ka nang babago ng pananaw mo masyado kang bitter eh, or should I say, na sana makamove-on ka na kay Chad,” ang wika niya sabay tawa.                 “Nakamove-on na ko, MATAGAL NA! HA HA HA HA!” ang sagot ko.                 Bigla namang tumunog ang cellphone ni Georgina na nasa lamesa.                 “Oh, pano ba ‘yan iwan na kita dito Bella tumatawag na kasi si Dex kailangan ko na umalis. Babye!” ang sabi niya nang nagmamadali na akala mo hinahabol.                 “Okay! INGAT KA!” ang sabi ko sa kaniya habang papalabas siya ng kwarto ko.                 Ang babaeng iyon mahal na mahal din ang boyfriend kaya naman kung makapagmadali wagas. Pero ang tagal na nga talaga nila ni Dex. Samantalang ako wala pa rin pakialam sa kung anong mahalaga.                 Hindi lang si Marco at Frank ang pinagsabay ko, marami pang iba. Hindi naman nila ko nahuhuli na ginagawa ko iyon. At hindi nila alam na napagplanuhan ko na ang mga ito bago pa man mangyari ang lahat ng ikakasakit ng puso nila. Ang ilan sa mga nagamit ko ng linya bilang dahilan sa hiwalayan ay ang pagpapalabas na napapagod na ko sa relasyon, hindi ko pa kayang magtiwala ulit sa iba, hindi para sa isa’t isa, masaya pero walang spark kahit pilitin pa, o kaya naman kapag lumalaban ang lalaki na ayaw talagang  magpatalo gagawan na ng matinding paraan kung saan gagawa ka ng problema at ibabalik mo sa kanila ang sisi, the turning tables.                 Maya maya pa ay tumunog na rin ang cellphone ko.                 Napaangat ako at tinignan kung sino ang tumatawag sa akin.                 “Oh? Marco, napatawag ka?” ang tanong ko sa kaniya.                 “Marco? What’s up babe, why Marco?” ang tanong niya sa akin.                 Masyadong demanding si Marco, siguro sweet ‘yon para sa iba pero para sa akin? It’s not!                 Ayaw niyang tinatawag ko siyang Marco. Ang gusto niyang itawag ko sa kanya ay babe. Before I used to call him that, syempre para lang maniwala siya at magmukhang totoo ang lahat. I know how to play this game, madami na akong naloko in that way.                 “Nothing,” I answered shortly.                 Wala na akong narinig pang sagot mula sa kabilang linya.                 And he ended the call, siguro may naisip na kasalanan niya kung ano man ‘yon kaya pinatay nalang niya.                 Well, madami na kaming napag-awayan ni Marco tulad ng mga babaeng nakikita ko na kasama niya. Ang mga babaeng iyon naman daw ang lumalapit sa kanya at hindi siya. Pero kahit anong deny naman ang gawin niya ay hindi naman ako naniniwala sa kaniya. Wala naman talaga akong pakialam dahil iiwanan ko lang rin naman siya.                 Naalala ko pa ang minsan naming pinag-awayan. Tungkol sa pagsama niya sa mga barkada niya, pero sa totoo lang hindi naman ako attention seeker or whatever. Ginagawa ko lang dahilan iyon para magkahiwalay kami. Pero hindi siya nagpapatalo, alam niya kung paano bumawi. May konsiderasyon naman ako kaya pinagbibigyan ko at umabot pa kami ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD