MGA PAHINANG ATING BINUO

345 Words
Lumuwas si Seraphine Elise Astor sa syudad para magkolehiyo. Mula sa tahimik na probinsya, buo ang loob niyang tuparin ang pangarap niyang maging disenyador ng panloob na kaayusan ng mga tahanan at gusali. Isang lalaki ang kanyang makikilala. Isang mag-aaral sa arkitektura na tahimik, matalino, at tila laging may sariling mundo. Isang klase ang magiging tulay. Isang simpleng mensahe ang magiging simula. Sa bawat araw na lumilipas, palalim ng palalim ang kanilang ugnayan. Hanggang sa unti-unti na nilang tinatala ang mga alaala. Pahina sa pahina, kasama ang mga plano at pangarap na sana'y para sa kanilang dalawa. Pero gaya ng mga librong may masaya at malungkot na pangyayari, bigla siyang nagbago. Unti-unti siyang nawala. Unti-unting naglaho. Ang dating tayo ay naging "Paano ako?" Hanggang sa tuluyang binitawan kahit bitin sa istoryang sila mismo ang bumuo. Ngunit paano kung ang lalaking matagal niyang kinalimutan ay biglang bumalik? Paano kung ang akala niyang masakit at malungkot na katapusan ay prologo pa lang pala? BABALIKAN BA NI SERAPHINE ANG MGA PAHINANG MINSAN NILANG BINUO AT INIWAN? O TULUYAN NA NIYANG ISASARA ANG AKLAT AT IBAON SA LIMOT ANG LAHAT? •••••••••• BABALA! Ang kuwentong ito ay isinulat ng isang baguhan. Patawarin ang mga bastos na salita at mga typographic na pagkakamali. Ito ay isang likhang-isip lamang. Ang mga pangalan, karakter, lugar, pangyayari, at insidente ay produkto ng imahinasyon ng may-akda o ginamit sa isang kathang-isip na paraan. Anumang pagkakahawig sa tunay na mga tao, buhay man o patay, o sa aktwal na mga pangyayari ay nagkataon lamang. Huwag ipamahagi, ilathala, ipadala, baguhin, gumawa ng mga deribatibo paggawa o samantalahin ang nilalaman ng kuwentong ito sa anumang paraan. Mangyaring humingi ng pahintulot. Lubos na pinahahalagahan ang inyong boto at mga komento. ENJOY READING! © 2025, Mister Nobody ALL RIGHTS RESERVED 2025 •••••••••• Credit is given to the owner of the graphics used for the book cover and other elements in this book. ••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD