Tahimik ang buong paligid pati si Marco ay tahimik lang na nagkikinig. Ngunit sa loob ng kanyang dibdib ay lalo lamang naglalagablab ang galit at kaba. Dahil ngayon ay sigurado na siya sa isang bagay— Pinlano ni Karah ang lahat para tuluyan siyang takasan. Samantala… Malayo sa magarbong palasyo ni Don Brixton, tahimik na nakaupo si Karah sa tabi ng bintana ng isang maliit na inuupahang silid. Hindi ito marangya. Lumang kahoy ang sahig at may maliit na electric fan na umiikot sa gilid ng kama. Sa labas ng bintana ay tanaw ang masikip na kalsada kung saan paminsan-minsan ay dumadaan ang mga tricycle at jeepney habang may ilang tindahang bukas pa kahit gabi na. Mahigpit niyang yakap ang maliit na bag na dala niya. Iyon na lamang ang lahat ng gamit na dinala niya nang tuluyan niyang i

