Pinagmasdan ng mabuti ni Karah mula sa bintana ng kanyang kwarto ang pagdating nina Don Brixton Valerioso. Una ay pagtingin niya'y malinaw na nakita ni Karah ang convoy ng mga sasakyang huminto sa tapat ng gate ng kanilang malaking bahay. Ang itim na luxury sedan sa unahan ay hindi na niya kailangang hulaan kung kanino iyon. Kahit ilang buwan na siyang lumayo— kilalang-kilala pa rin niya ang sasakyang iyon. At nang bumaba agad si Don Brixton ay kumpirmado niyang ito talaga at ang mga tauhan ang dumating. Nanikip ang dibdib niya. Parang biglang nanlamig ang kanyang mga kamay. "Talagang hindi niya pinalipas ang araw na ito…" mahina niyang bulong sa sarili. Ang mga lalaking nakaitim mula sa mga sasakyan ay agad nakasunod kay Don Brixton. Ito ay ang anim na Guardians—lahat armado. Gr

