Amber POV "Nakakainis ka naman eh! Akala ko talaga malapit na. Iyon pala sobrang layo pa." Reklamo ko. ''Just shut up, annoying nerd!'' Nakapamulsa lang siya at kampanteng nakahiga sa kama. Wala man lang bahid ng pag-aalala. Kainis talaga siya! Nandito kami ngayon sa isang hotel. Mabuti na lang may bakante pang kwarto. Ang kaso para pala ito sa mga honeymoon lovers. Kaya ang nangyari ito kami nagpapanggap na bagong kasal mabuti nga at effective ang acting namin kundi nilalamig na kami ngayon sa kalsada. Ito lang kasi iyong pinakamalapit na pwedeng tuluyan sa lugar kung saan nasira ang kotse ni Sky. Swerte rin naming may technician na tumutuloy din dito at napakiusapan namin ni Sky na puntahan at ayusin ang sasakyan pero gabi na nga kaya bukas na lang daw aayusin. ''Hay! Kapagod!'' N

