Amber POV Kanina pa ako hindi makatingin kay Sky. Mabuti na lang at may waiting shed na malapit sa talyer. Kaya nakalayo muna ako sa kanya sinabi ko na lang na hihintayin ko na lang siya rito. ''Hi!" Muntik na akong mapatalon sa gulat ng may biglang magsalita sa tabi ko. ''Hello!'' Ngumiti na lang ako isang lalaking mukhang ka edad ko at mukhang kagagaling lang sa pag-jogging. ''Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah. Hindi mo ko napansin." ''Wala ito." Sa totoo gwapo naman siya at mukhang mabait. ''By the way, ako pala si Patrick," nakangiting pakilala niya sabay lahad ng kamay niya. ''Ako pala si—" Iaabot ko na sana ang kamay ko pero may malamig na boses na nagsalita mula sa likod ko. ''Hey Nerd! We need to go!" Hinatak niya pa ako sa direksiyon niya. ''Ah sige Patrick! Alis na

