Chapter 9

1405 Words
Amber POV Hanggang ngayon. Inis na inis pa rin ako kay Marco. Nawala raw sa isip niyang pinagtabi kami ni Sky sa kama. Hindi man lang niya inalalang babae ako at lasing pa naman si Sky. Mabuti na lang walang nangyari. Although kaya ko naman ang sarili ko pero hindi pa bumabalik ang dating lakas ko katulad NOON. Nakakainis talaga siya. May mannerism pa naman ako tuwing umaga na sobra kong niyayakap ang unan ko. Napagkamalan ko tuloy na unan si Sky. s**t! Nakakahiya. "Oy! Mast—y este Miss Nerd. Bakit namumula ka?" nakakunot noong tanong niya. Tsk, kahit kailan pahamak talaga tung lalaking toh. Kasalukuyan kasi akong naghihiwa ng sibuyas. Magluluto ako ng pang-umagahan namin. ''Ah, dahil siguro sa sibuyas.'' Palusot ko bakit ba kasi kusang nagblablush ang mukha ko. Pagtingin ko kay Sky. Totoo ba toh? nakangisi siya. s**t! pakiramdam ko lalong akong namula. ''Okay, pero gusto mo tulungan na kita?'' ''Hindi na Marco." Alam ko kasing magiging disaster lang paghinayaan ko siyang magluto baka pasabugin nya itong kusina. Ganyan siya kalala. Nagsangag na muna ako ng kanin saka ako nagluto ng omelet at turtang talong. Nagtimpla na rin ako ng kape saka ko nilagay yung pandesal. PERFECT. Wala kasi iyong dalawa pumunta munang nanood sa sala. Pinagmasadan ko ang mga niluto ko. Mukhang kumpleto na. Kaya pumunta na ako sa sala para tawagin sila. "Kain na tayo!" masayang sigaw ko agad naman silang dumiretso sa kusina, mukhang gutom na gutom. Unang tumikim si Marco. ''Wow! Ang sarap talaga ng luto mo. Walang pinagbago," "Have you cooked for him before?'' nakakunot noong tanong ni Sky. Nabilaukan naman si Marco. Hindi nag-iingat sa mga sinasabi eh. Kailangan ko tuloy mag-isip ng palusot. ''Ah eh,'' mag-isip ka Amber. "Nakikain kasi ako sa baon niya. Noong minsang nakita ko siya." ''Tama, tama iyon nga," sang-ayon ko buti na lang. Hindi naman sumagot si Sky kumain narin siya. Tinitigan ko lang siya kung anong reaksyon niya sa luto ko. Mga paborito niya kasi tung mga niluto ko pero nanatili paring walang emosyon ang mukha niya. Ang hirap basahin kung anong iniisip niya. ''Master Blue, huwag masyado tumitig baka matunaw." Tatawa-tawang bulong naman ni Marco. Napairap nalang ako. Nakakainis siya eh. Sabay kaming napatingin kay Sky nang bigla itong tumayo. ''Tapos ka na brad?'' tanong ni Marco. Hindi niya ba nagustuhan ang luto ko? ''Ang bilis naman," dagdag ko pa. ''Oo, uuwi na ako. Thanks for the breakfast!" malamig niyang sabi. Napatanga na lang ako. I'm sure masarap ang luto ko paborito pa nga niya dati eh. Oo nga pala nagbago na siya. Siguro pati taste niya sa pagkain nagbago narin. Napangiti ako ng mapait. ''Master Blue, huwag ka nang malungkot hayaan mo na si Jayden. Hindi niya alam mag-appreciate ng masarap na luto. Basta para sa akin masarap itong mga niluto mo,'' nakangiting sabi niya. Mabuti na lang nandito si Marco. ''Hoy lollipop! Hindi libre yan. Bilhan mo ko mamaya ng Ice cream. Gusto ko chocolate flavor'' nakangising sabi. Kala niya huh. Napasimangot naman siya. ''Oo na! pambihira akala ko nagbago na siya. Sigurista parin pala'' ''Anong sabi mo?'' hindi ko kasi narinig yung ibang sinabi niya. Binulong niya kasi. ''Wala Master Blue sabi ko ang ganda mo talaga'' nakangiting sabi niya. Binatukan ko nga. ''I'm sure hindi yun yung sinabi mo!'' ''Master naman, eh. Ililibre na kita ng ice cream kahit ilan pa yan. Basta pakainin mo na ako gutom pa ako, eh,'' nakangusong sabi niya. Kaya tumahimik na ako. Mukhang gutom na gutom nga siya. Halos siya na umubos ng mga niluto ko eh. Ang takaw talaga. ''Master Blue, nagsuot kaba ng contact lens?" tanong niya. Out of the sudden. ''Oo naman,'' ''Mabuti nang nakakasigurado. Paano na lang pagbiglang nahulog iyang glasses mo. Edi boom! Nakita na nila iyang beautiful ocean eyes mo," nakasimangot na sabi niya. ''Inggit ka lang, eh," nakangiting sabi ko gusto nya kasi itong mga mata ko kulay asul kaya nga dito nya kinuha ang tawag niya sa aking ''Master Blue''. Ang daming arte diba? Sky POV Bakit ganoon iyong lasa ng pagkain? Bakit? Bakit pareho sila ng lasa ng luto niya? IMPOSSIBLE. Agad kong pinaandar ang kotse ko nang makita ko silang papalabas sa condo. Naka-akbay pa si Marco sa nerd na yun. Akala mo couple. Fuck! Why I have this feeling that I want to punch Marco right now? Na parang gusto kong ilayo si nerd sa kanya. SHIT! f**k! THIS FEELING! I HATE IT! Nagulat ako nang biglang magring ang celphone ko. ''Hello," malamig kong sabi. Who is this idiot? ''Hey baby! Umuwi ka na nandito si Cassie sa bahay nagluluto. And you know what? She's good!'' Ano na naman bang ginagawa ng babaeng iyon sa bahay? Nakakainis. ''Okay mom," walang ganang sabi ko. Narinig ko pa ang tili nila. Tsk, as if I will like that girl she's a brat and ugly. Nagdrive na ako. Pagdating ko sa bahay. ''Welcome back young Master!" sabay-sabay nilang sabi. Dumiretso na lang ako sa kitchen. ''Mom.'' ''Oh baby, nandito ka na tamang-tama tapos nang magluto si Cassie.'' As if I care about what she had cook. ''Hello Jayden! Kain ka na! I cook these for you," ngingiti- ngiting sabi niya. Pathetic woman. Akala niya ba kakainin ko ang mga niluto niya. Tsk, woman's really Stupid. ''Umuwi kana.'' I said coldly. ''Pero Jayden-'' ''No more buts just leave. Hindi ko rin naman titikman ang niluto mo'' napaiyak naman siya. Tsk, actress. ''Jayden come back here your so rude!'' "Mom, dapat malaman niyang kahit anong gawin niya. I will never like her." I don't like her and never will be. She's a pathetic b***h and not my type. Amber POV ''Hoy! Bilisan mo naman gutom na ko!" sigaw ko kay Marco. Kasalukuyan kasi siyang umoorder ng ice cream. Ang dami naman kasing tao. Napangisi ako sa totoo lang hindi pa naman kasi ako gutom. Hehehe gusto ko lang siyang pagtripan at asarin narin. Ang dami naring mga babaeng kanina pa ako gustong patayin sa mga tingin nila. Ang sarap sa feeling eh. Yung nerd ka lang tapos may kasamang pogi. Yung halos mamamatay na sa inggit yung mga babaeng nakakakita. Oh men! it feels so good? b***h mode. Napatingin ako sa babaeng kanina ko pa napapansing nakatingin sakin. Nakaglasses siya pero kahit hindi ko makita ang mga mata niya. Alam kong ang sama nang tingin niya sakin. Napataas ang kilay ko. Parang kilala ko 'to. ''Hoy! Sino tinitingnan mo?'' Napatingin ako kay Marco. Nasa tabi ko na pala siya hindi ko man lang napansin. ''Wala," nasabi ko na lang sabay hablot sa ice cream. Mukhang hindi pa naman niya napapansin iyong babae eh. Kumain na lang ako. Ang sarap heaven. Kain lang ako nang kain ng may bigla na lang bumuhos sa akin ng ice tea. s**t! Ang lamig! ''WHAT THE f**k MISS ANONG PROBLEMA MO?!'' sigaw ni Marco. Kung hindi lang ako nilalamig. Kanina pa ako naglupasay sa tawa. Paano naman kasi Marco ''the good one'' is cussing. Epic pa iyong mukha niya. Help me not to laugh in this kind of situation. Kundi magmumukha akong baliw. "Hindi ba sabi ko babawiin kita!" sabi ko na nga ba si Shin 'to eh. My dearest Shin, my loving bestfriend. Umiiyak siya bakit ang malas ng babaeng 'to. Palagi nalang naghahabol. Dati si Marcus ang hinahabol niya. Ngayon si Marco naman. Ano ba talaga? nakakalito na eh. Paulit-ulit ko kasing sinasabi noon na si Marco na lang ang piliin niya. Dahil wala siyang pag-asa kay Marcus. Walang pakiramdam ang lalaking yun eh. Parang hindi tao pero sige lang siya noon. Nabulag sa pagmamahal sa lalaking hindi man lang siya napansin at heto naman si Marco habol ng habol sa kanya. Eh ngayon anong nangyari edi nagpalitan naman sila ng pwesto. Mukhang si Marco naman na kasi ang mahal niya ngayon. At itong si Marco mukhang naka move on na. "Shin! tumigil ka na! wala ka nang mababawi pa!" at ngayon naman nanonood na ako ng live drama show. Itinuloy ko na lang ang pagkain ng ice cream. Bahala sila sa buhay nila. Sayang Ice cream ko eh matutunaw lang. ''Pero Marco mahal kita!'' ''I don't care and in the first place. Hindi na kita mahal!" ''Siya ba ang pinalit mo sa akin? Iyang pangit na 'yan?" ''Yes at ngayong alam mo na. Pwede ka na bang umalis? You're disturbing our date!" Nabilaukan ako sa sinabi ni Marco. WHAT THE f**k! DATE REALLY?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD