Chapter 7

1407 Words
Amber POV Pagpasok ko pa lang sa gate ng University. Pinagtitinginan na naman ako. Oh, oh! Huwag naman sana nilang ulitin iyon kahapon. Masakit pa rin kasi ang katawan ko. Pagpasok ko sa room bigla silang tumahimik lahat. Kinakabahan ako pero nagulat ako sa sunod nilang ginawa. Isa-isa silang lumuhod sa harap ko. ''Miss Nerd sorry.'' ''Sorry talaga.'' ''Patawarin mo kami." ''Di na namin uulitin." Tulala lang akong nakatingin sa kanila. Is this really happening? Hindi ba ako nanaginip? Hindi niyo ako masisisi kung bakit ganito na lang ang gulat ko. Because these bitches, brats, rich kids, sophisticated, sossy, jerk are kneeling infront me. SO IMPOSIBLE Napatingin ako sa pintuan ng bigla itong bumukas. Tssk yung bruhildang babae lang pala. Nasa likod niya yung apat. Nagulat ako ng bigla na lang siyang itinulak ni Sky. "Say sorry to her," maawtoridad niyang utos. ''Jayden! You know I'm a heiress why would I say sorry to that simple poor ugly nerd!" Saka niya ako pinanlisikan ng mga mata. Akala naman niya masisindak ako. "I SAID SAY SORRY TO HER!" galit na sigaw ni Sky. ''Cassie, gusto mo bang iparating ko kay daddy itong mga ipinaggagawa mo,'' nakangiting pananakot ni Kevin. What? Kapatid ni Kevin 'tong babaeng 'to? Bakit hindi ko alam? Bigla namang natawa si Marco sa tabi ko. Nakita niya yata iyong gulat kong expression. Pasimple ko siyang inirapan. ''Tsk! SORRY!" padabog niyang sabi. Nakakatawa iyong mukha ng bruhildang 'to. Labas sa ilong iyong sorry niya. Parang gusto niya kong kainin. Hahahaha. Mabuti na lang dumating na iyong prof namin so bumalik ulit sa dati na parang walang nangyari. I don't really believe in their sorry, I know it's not sincere. Alam kong plastic lang baka tinakot sila para gawin iyon. Nakinig lang naman ako sa lahat ng subject namin. Mahaba-habang discussion period. Pagkatapos ng klase pumunta muna ako sa garden. Atleast doon alam kong tahimik. Kapag sa rooftop kasi baka nandoon si Sky at ano na naman mangyari. Kinain ko na lang iyong sandwichn na baon ko. Infairness masarap siya. Kain lang ako nang kain nang may biglang nagsalita. Muntik ko pang mabitiwan iyong sandwich ko sa gulat. "Grabe Master Blue, hindi mo man lang ako bibigyan?'' Napatingala ako sa taas ng puno at doon nakita ko iyong balasubas na bata. "Master Blue naman huwag mo kong tingnan ng ganyan. Bata na naman ang tingin mo sa akin eh," nakapout niyang sabi. Ang cute niya naman kasi sa totoo lang mas matanda siya sa akin. Kaya lang childish siya dati pero ngayon nag-mature na siya. Tumalon siya sa puno sabay lapit sa pwesto ko. ''Master Blue, pahingi naman mukhang masarap,'' nakangiting sabi niya. Kaya binigay ko na rin busog na kasi ako. Napatawa na lang ako sa itsura niya. Ang dumi niya kasi kumain. ''Master Blue, naman makatawa lang, eh,'' nakapout niyang sabi. ''Iyong hitsura mo kasi hahahaha ang LT!'' Tawa ko. ''Anong meron sa akin? Gwapo hindi ba?" nakangiting sabi niya sabay pogi sign. "Hindi ah! Ang pangit mo!'' sigaw ko. Tumayo naman siya. ''Ah ganun'' sabay kiliti nya sa akin tawa lang ako nang tawa hanggang sa naghabulan na kami. Napatigil lang kami nang may mabangga ako. ''Sorry!'' ''Tsk, careless as ever.'' Agad bumilis ang t***k ang puso ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Sky POV "Sorry!" Bakit ba napaka-careless ng babaeng 'to? Tuwing nagkikita na lang kami palagi niya akong nababangga. ''Tsk, careless as ever.'' Napa-angat naman siya ng tingin nanlaki pa ang mga mata lalo lang pumanget. Napatingin ako kay Marco na hingal na hingal. ''Oy brad nandito ka pala?'' nakangiting sabi niya. Minsan may pagkabobo rin itong gago. Alam nang nandito ako tinatanong pa. ''Ano sa tingin mo anino ko lang ito?'' Walang emosyon kong pambabara sa kanya. Rinig ko naman ang bahagyang hagikhik ni nerd. Anong tinatawa tawa niya at bakit ba sila magkasama? ''Uy! Huwag mo naman akong pagtawanan Mast—ay este Miss Nerd," nakapout na maktol ni Marco. Childish talaga, nakakasuka! ''By the way Marco you have a especial visitor. Naghihintay siya sa hallway," seryosong sabi ko. I think he'll be surprise as hell sa makikita niya. Good luck to him. ''Pero-'' ''No buts." Tatanggi pa eh. ''Bye Miss Nerd, I enjoy this day!'' Sabay g**o niya sa buhok ni nerd. Tsk, close na agad sila? Hinila ko na nga siya kailangan niyang makita ang taong kanina pa siya hinihintay. Pero bakit ba ako biglang naiinis? Why I'm feeling this? Paglingon ko nakangiti pa si Nerd habang nakatanaw sa amin. I hate that she's smiling because of Marco. This is not cool. Marco POV Bakit parang inis na inis itong si Jayden? Wala kasing mabasang emosyon sa mga mata niya pero parang gustong manuntok. Weird. Huwag mong sabihing nagseselos ito sa amin ni Master Blue? Pero impossible hindi naman niya alam na si Master Blue at Miss Nerd ay iisa. Masubukan nga muna. "Jayden, alam mo interesting si Miss Nerd,'' nakangiting sabi ko. Nangunot lang ang noo niya at hindi pinansin ang sinabi ko. ''Parang gusto ko na siya,'' dagdag ko pa. Doon siya napatigil sa paglalakad. "You like her?'' gulat niyang tanong. ''Hmm, parang ang sarap niya kasing kasama at ang simple pa,'' nakangising sabi ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao niya. ''Hahaha, what a poor taste Marco,'' tumatawang sabi niya pero sobrang seryoso naman ng mukha niya parang anytime nga manununtok. ''Oo nga brad! Hahaha, Love is blind at saka hindi naman basehan ang physical appearance, eh." Thanks god at nagawa ko pang tumawa kahit nanginginig na ako. Ang talas ng tingin sa akin. KATAKOT. Ipaalala ko nga sa sarili ko na mahirap magselos ang isang Skyler Jayden Mendez nakakakilabot. Paano pa kaya kung malaman niyang si Master Blue at Miss Nerd ay iisa? Naku siguradong g**o na! "Then, good luck!" Walang emosyong sagot niya sa akin. Parang may ibig sabihin 'yon. Sineryoso niya talaga ang joke ko. Pagdating namin sa hallway. Makita akong babae nakatayo sa isang sulok at mukhang may hinihintay. Nakatalikod siya sa amin ni Jayden kaya hindi ko makita ang mukha niya. Hindi rin nakauniporme, kaya mukhang hindi nag-aaral dito. ''Alis na ko," sabi nitong selosong ito agad ko naman siyang pinigilan. ''Samahan mo ko." Paki-usap ko parang hindi ko naman kilala iyong babaeng 'yon. ''She's your visitor. Wala na akong pakialam diyan. Just ready your self.'' Wala talaga siyang puso. Paano kung hired killer 'tong babaeng ito tapos papatayin niya ako? O kaya naman kidnapper, tapos kukunin iyong mga lamang loob ko. Oh my god! Edi magiging kaawa-awa na lang itong matchong katawan ko at gwapong mukha ko. Mawawalan pa ng baby boy si Master Blue. Aish! Parang ayaw ko na tapos tatadtarin nila ng pinong-pino itong katawan ko at itatapon nila sa bangin. Hay ano ba tong iniisip mo Marco? Matapang ka kaya mo 'to. Kaya lumapit na ako doon sa babae. ''Miss, hinahanap mo raw ako?'' nakangiting salubong ko sa babae pero agad ding nabura ang ngiti ko nang lumingon siya. ''Marco!'' Nakangiting sigaw niya sabay yakap sa akin. Kita ko iyong excitement at saya sa mga mata niya. ''I miss you." Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. How I miss her too pero agad ko rin siyang itinulak. I can't be played by this girl again! ''Ma-marco?'' Kita ko iyong pagdaan ng sakit sa mga mata nya. Wow! Best actress! Iniwan niya akong nagmamakawa sa kanya noon. Tapos ngayon susulpot- sulpot siya at sasabihing na miss niya ako na parang wala lang. Wow just wow. This girl is unbelievable. ''Ba't ka nandito?'' malamig kong tanong sa kanya. ''Look, Marco I'm sorry," naiiyak niyang sabi. ''Nandito ka ba dahil nireject ka ng kambal ko?'' nakangisi kong tanong. ''Marco, nagsisisi na ako please forgive me. Noong umalis ako doon ko narealize na mahal na pala kita at hindi na si Marcus," umiiyak niyang sabi. Tsk, hindi na uubra yang mga luhang iyan. ''Shin! That's bullshit!" sigaw ko lalong lumakas ang iyak niya. She used me before. So why would I believe her? ''Huli kana," sabi ko saka ko siya iniwan doon. ''Marco! Babawiin kita!" sigaw niya. Kung kaya mo? Sorry, pero naka-shield na ang puso ko. Hindi ko na hahayaang mapasok mo ulit at wasakin, Shin Fuentebella. I'm not the same Marco who kept chasing you before. He's already dead. Now, I will make sure na hindi na ako ang mawawasak ang puso. Hindi na ako ang masasaktan kung 'di IKAW.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD