Nahinto ang pag-uusap namin ni Xolani nang umahon na iyong iba mula sa dagat at lumapit sa'min. Pito iyong nadagdag na nakakasama namin sa ginawa naming island hopping. May sarili man silang sasakyan at tour guide ay mas ginusto nilang makisabay sa'min. Mas marami raw kasi ay mas masaya. Mag-boyfriend-girlfriend iyong anim na mga kasama ni Marco at tanging ito lang iyong walang partner sa grupo. Naging biro pa nga niya na dakilang third wheel siya ng relasyon ng mga kasamahan niya. Pero dahil nakikisabay na raw sila sa'min ay hindi na siya gano'n ka-out of place. So far ay okay namang kasama ang mga ito. Gusto ko iyong medyo kalog na ugali no'ng mga babae niyang kasama kumpara sa kaartehan ni Nica. Ewan ko ba pero kahit anong gawin talaga ni Nica ay nagpapairita sa'kin. "Doon ba tay

