Kahit umakto akong walang pakialam sa harapan ng nanay ni Nica dahil sa sinabi nitong kasunduang kasal sa pagitan nina Yudz at Nica ay kabaliktaran iyon ng totoo kong nararamdaman. Sa ginagalawan kong lipunan ay uso ang mga arranged marriage. Isa ang pamilya ko sa hindi pabor sa gano'ng set-up. Karaniwan kasi iyong ginagawa para sa negosyo o anumang pwedeng makuha ng magkabilang partido. Naniniwala pa rin kami sa pag-ibig at tadhana. Nayayamot akong naglalakad sa mahabang pasilyo papunta sa inuukopa naming silid ng triplets nang mapahinto ako sa tapat ng isang silod na bahagyang nakaawang ang pintuan. May naririnig akong mahinang tugtog mula sa loob, pero hindi iyon ang kumuha sa atensiyon ko kundi ay ang pamilyar na boses ng taong nagsasalita mula sa loob. Hindi ako masaring magkamal

