Paulit ulit Pansin na pansin ko ang pagsusuplado ni Jiro sakin. What did I do again? Teka? Ang sabi niya kahapon na kahit yung araw lang na 'yon ay wag kaming mag-away. Ipagpaliban muna namin. Ngayon na tapos na ay ipinagpapatuloy niya na ba 'yong galit niya sakin? "Ba't ka nagsusuplado?" tanong ko sa kanya nang machempuhan ko siya dito sa kusina. "Ewan ko sayo. Ba't hindi mo narin ibigay yang kwintas na ibinigay ko sayo total hilig mo namang ipamigay ang mga binibigay ko sayo." Umismid siya sakin. Yun lang ang ikinakagalit niya. Dahil lang ibinigay ko yung stufftoy ko kay Sylver. "Stufftoy lang naman 'yon. Plush." sabi ko. "Pero pinaghirapan ko 'yon. Yung mga ticket. Ewan ko sayo." Umalis rin siya dito sa harapan ko. Ang hilig talagang magsuplado ng lalaking 'yon. Hindi na naman

