Aside from me Nagdesisyon nalang kaming sa akin muna manatili si Toshi habang hinihintay namin ang DNA test. Lalo na't wala rin naman siyang nilalapitan na iba bukod sa akin. Umiiyak agad siya pag may kakarga sa kanyang magpipinsan at magsisigaw ng Mommy. Nangungulila na siguro siya sa ina niya. I wonder who's that girl? Bakit nagawa niyang iwanan ang isang kagaya ni Toshi sa labas ng condo ni Jiro. At bakit alam niya ang condo ni Jiro? Ba't alam niyang halos nandito lahat ng magpipinsan? This is creepy. Parang may mali. "Jiro, ikaw muna ang bahala kay Toshi. Maliligo lang muna ako." Napabusangot agad ang mukha ni Jiro dahil sa sinabi ko. Ewan ko diyan sa lalaking yan kung ba't parang ang bitter. "Mommy..." Itinaas ni Toshi ang hawak niyang laruan habang nakaupo sa kama. Kanina pa ak

