Maling mali Kumatok ako ng pangalawang beses sa isang pinto saka rin ito pinihit papasok. Tumambad sa akin ang mukha ni Tita Stella na nakangiti at tumayo sa swivel chair niya para salubungin ako ng isang yakap. Hinalikan niya rin ako sa pisngi. She called me last night para puntahan siya dito. Kaya nag-alibi nalang ako kay Jiro na maaga ako sa school. Na may pupuntahan lang ako. Pumayag rin naman lalo na't cold siya sa akin dahil sa sinabi ko sa kanya noong nakaraang araw. Kaya ayun, pagkatapos akong ihatid ay umalis rin. Ang tipid nga ng mga sinasabi sakin eh. I understand him anyway. Sinusubok ko ang pasensya niya. Hindi na ako magtataka kung darating ang araw na susuko rin siya. My actions are telling him to do so. Ano bang mapapala namin dito? Magkakasakitan lang kami sa isa't isa.

