Sa ayaw at sa gusto mo Jiro's words bore inside me. Para iyong nakalibing sa kaibuturan ko at hinding hindi ko matatapon nang basta basta. That's the most unforgettable line he said to me. Marami na siyang binibitiwang salita pero ang laki ng epekto nun sakin lalo na't parang gusto niyang magkakapamilya rin kami. Ang pangarap ko noon ay pinapamukha niya sakin nang araw na iyon. Na sa kabila ng matinding pinagdadaanan namin ngayon ay matutupad niya rin iyon. He didn't even know I love him. Na yun talaga ang pangarap ko simula nang mga bata pa kami. But things went upside down. Ngayon ay parang isang saranggolang tinangay nalang sa hangin ang pangarap ko at hindi ko na mahanap pa. Na matagal na akong sumuko sa pangarap na iyon. Nadatnan ko siya sa sala na may kausap sa phone niya. Good moo

