No The next days were normal to me. Di naman ako nagtatanim ng galit pagdating kay Jiro. Madaling nabubura sa sistema ko ang pagkainis ko sa kanya lalo na't siya rin itong pinapansin ako kaya nakakalimutan ko naring magtataray pala dapat ako sa kanya. Ano bang kailangan kong ikagalit dito? Ang magagawa ko nalang ngayon ay bakuran ang sarili ko na hanggang diyan lang dapat ako. Kakalabas ko lang ng kwarto ko at bihis na bihis para lumabas ng condo niya nang madatnan ko rin siya na kakalabas lang sa kwarto niya at bihis na bihis narin. Nagtagpo ang mga mata namin. Kapwa blangko. "Sky, punta lang ako kina Snow. Babalik rin naman agad ako. Ikaw? Saan ka ba pupunta?" Pinasadahan niya ako ng tingin. "Sa bahay nila V." sagot ko. Walang tabang sa tono ng pananalita ko. Hindi ko kayang makip

