I cant Nagsuot lang ako ng P.E tshirt para sa practice namin sa cheerleading. Nasa bleachers naman lahat ng magpipinsan kasama si Julie. Pinapanood ako. Kaya itong ibang estudyante dito ay hindi makapagconcentrate. Nagtutulakan! Kinikilig! Aksidente pa akong naapakan nung isa kaya natigil ang tatlo sa pagtutulakan at napatingin sakin. Napatitig ako sa suot kong sapatos na nadumihan saka ko sila tiningnan na ikinaputla nila. Agad namang lumuhod yung nakaapak sakin at nilinis yun. "S-Sorry. Sorry Scarlet Gail. Hindi ko sinasadya." Natataranta niyang sabi. Napatingin ako sa bleachers at naiiling lang yung magpipinsan kaya itinaas ko nalang ang kilay ko. I didn't say anything! Ni hindi ko siya inutusang lumuhod! Kusa niya yung ginawa! At kung hindi niya yun tinanggal talagang malalagot rin

