Balang araw "Kanina ang saya mo ah? Tapos ngayon sobrang busangot na yang mukha mo." sabi niya sakin habang naglalakad kaming dalawa. "Ewan ko sayo." Umirap ulit ako sa kanya. May espasyo narin sa pagitan naming dalawa. Ayokong tumabi sa aswang na yan. Baka siya pa ang lamunin ko ng buo sa inis ng nararamdaman ko. "Ano ba kasi yang ikinakagalit mo?" Naguguluhan na yang mukha niya. Nagawa niya pang hilain ako sa tabi niya pero tinabig ko lang yang kamay niya at umirap ulit. "Mind your own self Jiro. Kaya kong maglakad nang hindi ka katabi." Umirap ulit ako "What's wrong with you Scarlet Gail? Di ko talaga maintindihan yang ipinuputok ng butsi mo." "Kasi wala naman talaga!" galit kong sabi pero kalmado lang naman ang ekspresyon ng mukha ko. Yun nga lang yung kilay ko halos magkap

