"Yanah!" Napahinto kaming apat sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan ni Yanah. Papalabas na sana kaming apat sa court at papunta na sana kami sa kotse ni Yanah para umuwi muna saglit upang maghanda bago pumunta sa party na sinasabi nina Cedric at Avery. Sabay kaming lumingon at nakita si Danzel na patakbong palapit sa amin. Nakabusangot pa rin ang mukha niyang kay Yanah nakatingin. "Yes? May kailangan ka?" normal na tanong ni Yanah kay Danzel nang ganap na itong makalapit sa amin. Sa boses ni Yanah ay halatang malamig ang trato niya kay Danzel. "Can we talk?" hingal pero na balik-tanong ni Danzel kay Yanah. Tumingin ako kay Yanah at nakita kong tumaas ang kilay niya kay Danzel. "Tungkol saan?" tunog supladang tanong ulit ni Yanah. Huminga nang malalim si Danzel at kita ko

