Nang pumasok sa kwarto niya si Marco ay lumabas din ako para tignan si Claire pero dumiretso lang siya palabas ng gate. Naalarma ako nang marinig ko ang kotse sa labas at tuluyan naman sumakay si Claire kaya napabuga na lang ako nang marahas saka kinuha ang phone upang tawagan ang dalawang nagpa-plano! Ayaw ko man pero wala talaga akong choice! Nagpaalam ako kay Marco na pinauwi ako ni Dad dahil may pag-uusapan kami tungkol sa business kaya wala akong tanong na narinig sa kanya. Mabilis akong lumabas ng bahay nila at bumalik sa club at pumayag na rin sa plano nila. At heto na nga kami sa loob at nakikiparty sa boring na party. Ramdam ko agad ang mga pagdududa nilang tingin sa amin.Nagbayad kami ng mga babae para dalhin at hindi kami paghinalaan. Mabuti na lang dahil kilala naman nila an

