"Hey, Gunner!"
"Oh?"
"What do you think about our captain? Malakas kaya siya like Demon?"
"Tss. I don't know. Pero pagkatapos ko siyang makausap kanina ay parang wala siyang maibubuga. Hindi na ako magtataka kung muhuli nalang siya ng kabilang kampo."
"Gunner, don't talk like that. Siya parin ang captain natin."
"Red, Ash, Ace and King kayo ang sasama saakin para sunduin si captain sa North tree. Gray and Gunner maiiwan kayo rito sa base kasama nila Bullet para magbantay. "
"Ano?? Kami ang maiiwan? Pero Demon-"
"No buts Gunner. Sundin niyo nalang ang sinabi ko. Kayo ang maiiwan dahil may tiwala ako sa inyo. Kapag isinama ko kayo roon paano na ang kampo? Kapag nalaman ng kabilang base na umalis tayo gagawa sila ng plano at maaaring lusubin itong kampo."
"Tss. Oo na oo na!"
"10 minutes bago tayo umalis."
"Tol, advice lang ha. Pag naging pabigat sa inyo yung susunduin niyo, iwan niyo nalang. Tapos kunin yung mga dala niya. Tss."
"Sira! He's still our Captain, Gunner. Kung ayaw mo sa kaniya, well you can do nothing but to accept him."
"Tss. Nag advice lang tapos sinermonan ka na. Psh!"
"Time's up. Guys, let's go."
"Areglado!/yeah!/okay!/arat!"
"Kayo na bahala rito."
"Dude, you're acting like our tatay, you know? Tss. But, infairness it suits you hahahaha!"
"You're right hahaha"
.
.
.
.
.
.
.
.
Meanwhile...
"Ahy puta!" mura ng dalaga nang madulas siya matapos makatapak ng basang dahon.
Kanina pa siya palakad lakad at sinusundan ang kung ano mang itinuturo ng kaniyang hawak na compas. Nakuha niya lamang ito sa bulsa ng kaniyang pantalon.
"Aishh! Pagod na ako letse"
[Her] Pov :
Inilapag ko muna sa lupa yung bitbit ko na kahon at saka ito inupuan. Debale matibay naman hahaha, tsaka di naman ako ganon kabigat para bumigay ito. Tsk.
"Gaano pa ba kalayo yung pesteng puno na yun? Tsaka anong itsura??" Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.
Gubat ito, malamang maraming puno! At... parepareho lang naman itsura ng puno rito ah! Payat at matataas. Tapos sobrang dilim pa, wala pa akong flashlight na dala. Huhuness
Pero mabuti nalang at may liwanag padin kahit papaano na sumisiwang mula sa taas. I think it's full moon kaya maliwanag ang langit kahit gabi.
Umayos ako ng tayo when I felt strange. May kaluskos kasi akong narinig mula sa paligid ko. Kahit mahina ito ay hindi naman nakatakas sa aking pandinig. I don't know why, kung bakit ganon nalang katalas ang aking pandinig, but maybe that's normal.
Inayos ko ang suot kong panyo na nagsisilbing takip sa kalahati ng aking mukha, isinuot ko rin ang nakalkal kong sumbrero sa bag kanina. Binitbit ko uli yung kahon tsaka nagsimulang naglakad, kahit hindi pa ako nakakabawi ng lakas.
Wala pa akong matinong pahinga! Halos segundo lang kung hihinto ako then after nun tutuloy ulet dahil feeling ko may ibang taong sumusunod saakin kanina pa.
"s**t!" Mura ko nang may maaninag akong pigura ng isang tao sa likod ng mga puno sa paligid ko. Binilisan ko ang aking paglalakad na halos takbo na ang ginagawa ko.
Peste, pag ito prank lang lahat kayo totodasin ko isinusumpa ko yan!! Napahinto ako nang may humarang sa aking daraanan. Ang bilis niya! Ni hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya.
"W-who are you?" Tanong ko na pilit pinapakalma ang sarili at pinipigilan ang magmukhang duwag.
Humigpit ang hawak ko sa aking mga dala at paatras ng paatras nang maglakad siya palapit saakin.
"Ikaw..." nanindig ang aking balahibo nang marinig ang malalim na boses niya. Masyasong brusko ang dating at talaga namang nakakatakot. "Ikaw ang captain ng 5th base tama?" Tanong niya na tumagilid pa ng kaonti ang kaniyang ulo. Naaninag ko ang mga mata siya at nakita kong sinuri niya ang kabuoan ko.
Ano bang problema ng- teka...
'Shot every person who will stop you'
Ito na ba yung sinasabi nung lalake kanina? P-pero... anong gagawin ko kapag totoo nga yung sinasabi niya? Susundin ko ba siya? Maniniwala na ba ako??
"P-Pipigilan mo ba ako?" Seryoso kong tanong habang nakatingin ng diretso sa taong nasa harap ko ngayon. Hindi rin ako nagpakita ng emosyon. Kahit sa loob loob ko kinikilabutan na ako HUHUHU
"Oo." bigla, ay parang gusto kong magpalamon sa lupa ngayon. Waaaah! A-anong gagawin ko??
Palihim kong tiningnan ang compas na aking hawak at inalam kung saang direksyon na ang susunod kong pupuntahan. Dahil balak ko nang TUMAKBOOOOOO!
"s**t!" Hinahabol niya ako!! Ohmygoshh!
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa dalang kahon na halos akap ko na. Binilisan ko din ng doble ang pagtakbo ko. Lumilingon lingon pa ako sa likod ko habang tumatakbo para lang malaman kung sinusundan padin ako nung timawa. Huhuhu hanggang kailan ba niya ako hahabulen??
At dahil sa kakalingon ko-
*bogsh*
Napahawak ako sa aking noo dahil sa malakas na pagkakabunggo sa punong hindi ko namalayang mababangga ko na pala.
Malakas ang pagkakabunggo ko kaya napaupo ako sa lupa. "Arayyy. Aishh! Kung minamalas ka nga naman," agad akong bumangon at inayos ang aking sarili nang marinig ang paghinto ng yapak sa likuran, malapit lamang saakin kung saan ako nakatayo ngayon. HINDI PARIN NIYA AKO TITIGILAN??
Pero halos ma-estatwa ako dahil feeling ko...... hindi siya nag iisa. At dahil curious ako kung tama ba ang hinala ko ay pasimple kong inilibot ang paningin ko sa paligid at TAMA NGA AKO!
'PAKSHEEEEET! ANONG GAGAWIN KO?? HUHUHU LORD AYOKO PA MAMATAY, PLEASEEE!'
"A-ano bang kailangan niyo sakin??" matapang na tanong ko sa kanila habang nangungunot noong tinitingnan ko sila isa isa. Sinikap ko ring manatiling husky at malalim ang boses para di nila malamang babae ako, dahil baka bigla nalang nila akong sunggaban.
Napansin kong iisa lang ang style nila kung manamit, para silang mga gangster ba. Nakaka takot!
"Ang buhay mo," napalingon ako sa nagsalita at talaga namang nagulat ako nang maghagis siya ng patalim sa direksyon ko, pero ang nakakabigla pa diyan ay mabilis at madali ko lang itong naiwasan.
Like what the f?? How did I do that??
"s**t!" nilingon ko ang natamaan nito. "Puta ka Shawn!" mura pa nito habang nakahawak sa parte niyang natamaan. Ewan pero namalayan ko nalang na nakangisi na pala ako.
'Teka, ano?? Nakangisi? Bakit naman ako ngingisi?'
"IKAWW!" singhal nung isa naman habang turo ako, isa isa na silang nag labas ng mga armas kaya nanindig balahibo ako sa takot.
'WAAAAAAAAAAH! HELPPP! OMYGOSH!'
Napakagat ako ng labi at pinigilang wag tumili bago tumakbo ng mabilis palayo sa kanila. Hindi ko na ginawang lumingon pa sa likod ko at tanging ang compas na lamang na hawak ko ang sinusulyapan ko.
Huhuhu san na ba yung North Tree na yan? Juiceko naman! Mamamatay na ata akong hindi pa yun matutuntun eh. Sunod sunod din ang paghagis nila ng kung ano anong mga patalim sa direksyon ko.
*bang*
'WAAAAAAH! M-MAY BARIL SILA!!! HUHUHU! AYOKO PA MAMATAYYY ANO BA!!'
Takbo dyan-takbo doon. Nakakapagod din kaya noh! Pero otomatiko naman akong napahinto sa pagtakbo at parang mas nanindig pa ang balahibo sa katawan nang makita ang punong nasa harapan ko ngayon.
"E-eto na ba yung puno na t-tinutukoy niya?"
Napalingon ako agad sa likod nang makarinig na naman ng sigaw.
"Wag niyo siyang hahayaang mawala! Kill him!" OMYGOSH! I need to run nanaman!!!
WAAAAAAH!
Pero umarko ang magaganda kong kilay nang lingunin ko muli ang puno. Bumaba ang tingin ko sa malalaking ugat nito at doon ay may na aninag akong butas sa may bandang ugat ng puno. Para bang may pasukan sa ilalim ng malaking puno na ito. Hindi nga lang masyadong halata dahil may mga malalaking dahon at halaman na nagsisilbing harang o panakip rito para hindi mapansin.
"Nandun sya! Bilis!" palapit na ng palapit ang sigaw na naririnig ko.
"s**t! No choice men"
Mabilis na nagtago ako roon sa butas na nakita ko. Agad ko ring tinakpan ng halaman at mga dahon para magsilbing harang at hindi ako makita rito. Nagtira lang ako ng kooooonting-konting singaw para lang silipin sila.
"Captain, mukhang natakasan na talaga tayo nung bugok na yun." sabi nung lalakeng blonde ang buhok.
'Teka, AT SINONG BUGOK NAMAN TINUTUKOY NIYA HA?! AKOO?? GRRR! SA GANDA KONG 'TO?? MYGOSH! KALMA SELF. KALMA..'
Nag ikot naman ng tingin yung isang lalake na talaga namang nakakatakot tumingin. Agad akong lumayo nang makitang sa direksyon ko siya titingin. s**t, muntik na ako run ah. Tss.
"Captain!" rinig kong sigaw ng isa pang lalake na mukhang kararating lang dahil sa boses niyang mukhang hinihingal pa.
"What?" rinig kong tanong nung captain nila na naka suot ng cloak. Siya yung lalakeng ngisi ng ngisi kanina pa habang nakaharap ko sila.
Mukha siyang psycho-,-
"S-si Demon," utal at habol hiningang sabit nung lalake.
"What about him?" seryosong tanong nung captain.
"I think he's there! Nakita ko siyang tumatakbo."
"Mag isa niya lang?" tanong naman nung isa pa nilang kasama.
"Hindi ako sigurado pero nakita ko talaga siya doon!"
"Are you sure Ken?" yung isa naman sa kaliwa. Sya yung lalakeng natamaan kanina nung patalim na dapat saakin sasaksak.
"Oo!"
"Let's go." aniya nung captain. Sa sinabi niyang iyon parang nabunutan ako ng malaki at mahabang tinik sa lalamunan. OH! BRAIN NIYO HA! TINIK IYON! Pero wait, teka, DEMON? Ba't parang familiar saakin nung pangalan?
Nang mapansing wala na sila at naka alis na ay kinuha ko na iyong pagkakataon para makatakas. Gusto ko man kasing manatili sa loob ng butas para doon nalang hanggang umaga, ang kaso masyadong masikip at mainit, tsaka parang feeling ko may langgam pa doon.
Nang makalabas ay napahigpit uli ako ng hawak sa aking dala. Nandito na ako sa North Tree. Hindi man ako sigurado pero feeling ko talaga ito na yung punong sinasabi nung boy kanina. Huhuhu pero nasan na siya ngayon?
Inilibot ko ang tingin ko para alamin kung may ibang tao pang narito pero mukhang wala na.
Aishhh!
"Captain?" napako naman ako sa aking kinatatayuan nang may marinig na boses mula sa aking likod.
OMYGOSH! ANONG GAGAWIN KO?? AKALA KO BA WALA NANG BADGUYS?? HUHUHU ANO BA NAMAN YAN!
"Captain? Captain!" sigaw muli niya, dahan dahan akong lumingon roon.
"S-sino ka?"
"I'm Ash. I-" bahagya akong lumayo nang akma niyang itinaas ang kamay na makikipag shake hands lang pala.
"Hindi kita kilala," nakakunot noong sambit ko habang nakatingin ng diretso sa kaniya.
"Hey, that's enough. We need to hurry. Kailangan na nating umalis dito bago pa bumalik yung team ni Hades." napalingon naman ako sa isa pang nagsalita na sumulpot bigla mula sa likod ng isa sa mga puno rito.
"Where's Demon?" tanong nung Ash.
May isa pang sumulpot sa kaliwa. He shrugged, "Siguro nagpapapawis pa ang isang 'yon."
"I'm here," aniya ng isa pang lalake mula sa likuran ko. Dahan dahan akong napahawak sa aking dibdib.
Ps: May dibdib ho ako
*dugdug~dugdug~dugdug~*
Wait.... what's the meaning of this? Why's my heart can't stop pounding?? Paki explain, salamat.