Fear Dela Cruz •POV•
Ang bilis ng panahon at eto ako ngayun isang taon nalang at mararanasan ko nang grumaduate, maikling panahon na lang at masusuklian kuna ang paghihirap ni Mama sa akin.
Pero nakakalungkot kase si Jr. ilang linggo na lang at Gra-Graduate na sya sa kinuha nyang kurso at nasabitan pa sya ng medalya at ginawarang Summa c*m Laude.
Sana hindi niya ako kalimutan pag nakapag trabaho na sya panigurado naman magiging busy na un.
“Fear, nanung gagawan mu ken?”
Anong ginagawa mo dyan?
Narinig ko ang boses ni Jr. at umupo sa tabi ko.
Nandito kase ako sa rooftop ng building namin at pinagmamasdan ang ganda at matayog ng Mountain ng Arayat Pampanga, nakaka relax kase tignan maghapon at napapaligiran din ito ng malaking puno at naka palibot ang ilog sa bundok .
Kaya kahit maghapon pako dito ay hindi nakakasawang tignan ang matayog na bundok(Mountain) ng Arayat.
“Hoy..kalalam mu iisipan”
Hoy.. kalalim ng iniisip mo
Kaya bigla na man akong nagising sa mahaba kong pag-iisip.
“Wala lang nagpapahinga lang, nakaka relax kase ang tanawin dito”
Wika ko at sumandal ako sa balikat nya para lalong marelax ang pag-iisip ko ng kung ano-anu
“Wag mo kong kakalimutan pag naka graduate kana ..ha” wika kong malungkot
“At bakit ko naman makakalimutan ang ..taong importante sa buhay ko”
Wika nyang napaka lambing ngunit di ko naman narinig masyado ang sinabi nya bandang dulo.
“Lakasan mo naman ang bagsasalita mo, ikaw lang nakakarinig”
“Makanyan talaga dapat yaku mung maka ramdam masakit na “
Ganyan talaga dapat ako lang ang maka rinig mahirap na
Wika nya habang linalaro ang dulo ng buhok ko, at hindi ko malaman kung anung pinupunto niya sa mga sinasabi niyang diko maintindihan.
“FEAR..”
Malakas sa sigaw ang nag palingon sa amin sa may pintuan ng rooftop.
“Oh, bakit ka humihiyaw Cath”
“Atchu ne ing Mestra tamu”
Nandyan na ang Teacher natin
Sya si Catheline Reyes in short Cath ,ang pinag kakatiwalaan kong kaybigan na may gusto ka Jr.
Maganda si Cath matangkad sya hindi ko katulad na kinulangan ng tangkad, maputi ,chinitang mata na bumagay sa maliit nyang mukha na may bangs, at mapupulang labi at pisngi.
Ngunit matagal ko na syang linalakad kay Jr. ayaw naman ng best friend ko kay Cath ,di ko na lang pinilit baka sakin pa magalit.
May Pagtingin din naman ako kay Jr. ngunit lihim na lang iyon, simula pa nung bata kami may pagtingin nako sa kanya or siguro matatawag ko lang na puppy love.
“Sige sumama kana sa kanyan Fear ,at dito muna ako”
Wika ni Jr. na nagpagising sa akin sa ulirat.
“Ohh sige pero sabay tayo mag lunch mamaya ..ha”
“Sige puntahan na lang kita sa Class Room nyo”
Wika nya at tumango na lang ako bago ako lumapit kay Cath, pero napatigil ako ng hindi gumagalaw ang babaeng un sa kinatatayuan nya ..tssk.
“Hoy ..Cath may balak kapa bang gumalaw dyan ?”
Buling ko sa puno ng tenga nya.
“Ay..Pandesal”
“Tssk..ang layu ng imahinasyun mo Cath hinuhubaran mo na pala si Jr.”
Wika kong natatawa at hinila ko na sya ,palabas ng rooftop.
“Ang Yummy nya kase Fear, ang laki ng katawan kaso pusong babae abay makikita nya magiging lalaki sya sakin pag nalasap nya ang ka sexyhan ko sa kama” mahabang himutuk nya at natatawa na lang ako sa mga sinasabi nya
“Sige bahala ka nga dyan at kung anu-ano nang pumapasok sa utak mo dahil sa kakabasa mo ng fry tales yan”
Wika ko at inunahan ko na sya sa paglalakad, dahil diko masikmura ang mga lumalabas sa bibig nya.
“Hoy,sinundo kita tas iiwan mo lang ako”
“Thankyou” maikling tugun ko at pumasok na nag classroom
Hay ...naku naman eto nanaman ang nakakainip naming subject, talaga bang may ganting subject na nakakainip mas gusto mo pang matulog.
“Ms. Dela Cruz, do you understand what I am talking about or are you busy in your dream?”
Bulalas ng Teacher namin kaya bigla akong napa ayos ng upo.
“I’m so sorry Mrs.Villianueva”
Paghihingi ko ng pasensya sa kanya at tinapos nya lang ang discussion nya at nagpaalam na.
..
Lunch time na at nakita ko na si Jr. sa labas na naka sandal sa pader at nakahalu kipkip ang kamay. Nabaling naman ang atensyon ko kay Cath na katabi ko na na kinikilig na parang bulate na inasinan sa kanyan upuan.
“Fear, sama akong mag lunch sa inyo ha”
“Sige tara na”
Wika ko at lumabas na , sinalubong naman ako ni Jr. na naka ngiti ngunit nawala ang mga ngiting un nung nakita nya si Cath
“Jr. sabay daw satin si babe mo, este si Cathe” ngiti ko
Sinamaan nya naman ako ng tingin na kina tawa ko sa itchura niya.
“Tara na gutom nako” wika ni Jr. na matamlay at tumalikod na samin, kami naman dalawa ni Cath ay nagkatinginan at sumunod na sa kanya.
Pagkarating namin sa cafeteria ng school ay marami ng kumakain na mag-aaral kaya dali-dali kaming humanap ng mauupuan.
“Anong gusto mo Fear ako nang bibili maupo ka na lang diyan”
wika ni Jr. actually di nako nagulat kase lagi naman syang ganyan sa akon.
“Kung ano na lang ang sayo at paki sabay muna ung kay Cath”
Wika kong naka ngiti sa kanya, nag pout naman siya ng bibig nya dahil ayaw nya talagang nakikita si Cath, kapag kwan ay umalis na siya at pumila.
“Ang sweet nyo naman para na kayong mag jowa” wika ni Cath
“Ano kaba talagang ganyan si Jr. pwera na lang kung di kayo close ,talagang malamig ang pakikitungo niya sayo.” Sabi ko sa kanya, pero parang di naman siya naniniwala sakin.
“Ay..basta sweet talaga sya sayo baka may pag tingin sayo yan kaya ganyan kumilos pag ikaw na ang kaharap.”
Napailing na lang ako sa sinasabi nya, si Jr. magkakagusto sakin ...tssk ..asa na lang ako.
“Malay mo naman sayo pa maging ganap na lalaki ang best friend mong with benefits na yan” dagdag niya pa.
“Tigil-tigilan mo nga ako Cath kahit kaylan ,hinding hindi sya magkakagusto sa akin dahil lalaki din ang gusto nya”madiin kong wika sa kanya
“Ay basta may iba akong nararamdaman sa mga kilos nya, pero paano kung mag tapat sya sayo?”
Napa isip naman ako sa sinabi nyang yan, pero paano nga ba kung mag tapat sya sakin?
Pero imposible un dahil nagagalit nga sya pag sakin lumalapit ang mga lalaki imbis na sa kanyan..ay basta hundi ko alam ang mararamdaman ko oras na magtapat sya.
“Kain na Fear, lumilipad na naman ang utak mo at saang lupalot nanaman kaya papunta”
Wika ni Jr. na hindi ko man lang namalayan na nandito na pala sya sa mesa namin, ang dami-dami ko kasing iniisip kaya diko na namamalayan yung mga nasa paligit ko.