Third Person •POV•
Ilang araw nang hindi nagpapakita ang dala sa binata ,nagsimula ang hindi nila pagkikita pagkatapos ng Graduation nang binata.
Pero hindi lingid sa kaalaman nang dalaga ay laging pumupunta ang binata sa kanila nguni hindi na lang nito pinapasabi sa ina ng dalaga na pumupunta siya doon.
Gusto man makausap ng binata ang dalaga ngunit natatakot siyang makita na umiiyak ito kung aalis man siya.
Sinabi niya sa kaniyang ama na hindi muna siya aalis hanggat hindi niya nakakausap ang dalaga.
Pumayag naman ang ama nito sa gusto niyang manggyari
Samantala, Nakaisip nang paraan ang binata kung papano niya makakausap ang dalaga.
Ngunit nang papunta na siya nang school nang dalaga ay napahinto siya sa paglalakad at nagtago sa puno na malapit sa kaniya.
Kumirot ang puso niya nang makita ang dalaga na kasama nito ang lalaking nagpakilala sa school at naka bunggo nang dalaga sa Mall.
Tumalikod na siya at umalis na sa kinatatayuan niya, dahil baka nanliligaw na sa dalaga ang binata na yun.
Ngunit hindi lingid sa kaalaman nang binata na may sumusunod sa kaniya.
Nakatingin ito sa likod niya, at nang huminto ang binata ay naumpog siya sa matipunong likod nito.
“Aray ko” wika nang dalaga dahil sa sakit nang pagkaka umpog niya sa likod nang binata.
“Ay pasensiya na mis..s”
Paghihingi niya nang pasensiya at humarap ,ngunit laking gulat niya nang makita kung sino ang bumangga sa likod niya.
“Fear?”
“Oo ako nga saan ka naman pupuntang bakla ka”
Wika nang dalaga ngunit sa isip-isip nang binata ay nabubwisit siya pag tinatawag siyang bakla ,ngunit wala naman siyang magagawa dahil ito ang sinabi niya sa dalaga simula pa nang bata pa sila.
“Diyan lang may bibilhin lang, ikaw bat moko sinusundan”
Pakunwaring bulalas nang binata upang hindi siya nito mahalatang sumusulyap siya sa school nito.
“Hoy hindi kita sinusundan nagkataon lang na nakita kita .”
Wika nang dalaga sa binata ngunit sa kabilang banda ay talagang sinusundan siya nang dalaga.
Nang makasabay kase nang dalaga ang binatang nagngangalang Gray naka ramdam siya nang may nagmamasid sa kaniya kaya inikot niya ang buong paligid at nakita nga niya ang kababata nyang si Jr. na naglalakad.
“Bakit ?Fear “
Wika nang binatang si Gray
“Ahh wala uuwi na ako sige bye-bye na ingat”
Wika nang dalaga
“Hatid na kita”
“Wag na kaya ko na salamat”
Wika niya sa binata ,ngumiti naman ito at tumango.
At napag pasyahan niyang sundan si Jr. kaya nang masundan niya ito ay hindi niya namalayan huminto na pala ito at naumpog siya sa matipuno nitong katawan.
“Tara punta tayo sa tambayan natin sa rooftop”
wika nang dalaga dito at tumango naman sya at sumunod na dito pabalik sa school nang roooftop.
Nang makarating sila ay umupo agad sila at tinanaw ang napaka gandang view nang Mout. Arayat.
Sa sobrang katahimikan ay nagsalita ang dalaga na nakaharap sa magandang tanawin.
“May sasabihin ako sayo”
wika nang dalaga at liningon niya ito ngunit nakatuon parin ang attention nang dalaga sa tanawin.
“Ano naman yun?” Wika niya
“Sumama kana sa France,hindi naman kita pipigilan at ayos lang naman sakin yun..”
Wika nang dalaga na hindi manlamg humarap sa kaniya ngunit kita niya sa mata nito ang lungkot
“At mabuti na yun para matulungan mo din ang Dad mo at ang Mom mo”
Pagpapatuloy niya pa.
“Hindi kaba galit sakin kung sasama man ako.” Wika nang binta dito
“Bat naman ako magagalit best friend lang naman kita at hindi tayo magkasintahan”
Bulalas nang dala na kina lunok niya.
“Paano kung sabihin ko sayo na hindi ako tunay na bakla?”
Wika nang binta sa seryosong tono na kina laki nang mata nang dalaga.
“A.ano?” Gulat na wika nito
“Oo ,totoo ang sinasabi ko, hindi ako bakla”
Wika niya sa dalaga na kinakislap nang mata nito.
“Totoo ba kelan pa at paano ka naging lalakit may naka s*x kaba kaya ka naging tunay na lalaki.”
Sunod-sunod na tanong nang dalaga ngunit hindi alam nito na hindi naman talaga sya isang ganap na bakla.
“Wala akong naka s*x ,at kaylan lang naman ko na pagtanto, pero sana walang magbabago ha”
Wika niya sa dalaga na kinatango naman nito.
“Oo naman ibig bang sabihin nito may pag-asa na si Cath sayo”
Wika nang dalaga na kita kunot noo niya, dahil kaylan man hindi niya magugustuhan ang babae na yun at isa lang ang nasa puso niya.
Lumapit siya sa dalaga at binulungan niya ito.
“Hindi pa din ang sagot ko, kase may nagugustuhan na ako at matagal ko na syang gusto”
pabulong na wika niya dito at hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinila
“Tara uwi na tayo ....at samin kana mag dinner bukas at matulog tutal aalis na akong kinabukasan nang hapon, kaya gift muna sa akin bukas ang pagtulog mo sa amin”
Wika nito sa dalaga at tumango naman ito at nakbayan na ito nang binata. Wala na sa kaniya ang pag akbay nito dahil meron na itong napupusuan.
..
Samantala hindi naman makapag salita ang dalaga sa nalaman niyang yun sa binata na may gusto siya at matagal niya nang gusto ito.
Hindi maiwasang malungkot nang dalaga dahil dito at kasabay pa na aalis na ito at hindi niya na makakasama