Suot ang magarbong silk dress na bagay sa maputing balat ni Adelaide. Litaw na litaw din ang ganda ng kanyang katawan. Idagdag pa ang namumutok na dibdib na bahagyang nakaluwa dahil sa mahabang slit sa harapan. Ito ang napili Rica upang kanyang suotin ngayong gabi. Noong una ay tinanggihan ito ng babae pero wala siyang nagawa ng sabihin ng katulong na ang tunay na Adelaide o ang kakambal niya ay isang mapusturang babae. Hindi lamang ang slit sa harapan ang makikita maski na rin ang slit sa kanyang bandang hita pababa. Kung saan makikita naman ang mabibilog niyang mga hita. "Ang ganda mo, habang tumatagal ang napapansin ko ay parang kakaiba ang itsura mo sa kakambal mo," "Anong ibig mong sabihin? Iisa lang ang itsura namin ng kakambal ko. Mahirap ngang sabihin kung sino sa amin si Ad

