Dala ang konting salapi at lakas ng loob muling umuwi si Adelaide sa kanyang pamilya. Sa pamilyang kumupkop sa kanya simula ng mawalay siya sa totoong pamilya. Nadatnan pa niya ang kanyang ina na nagluluto sa labas ng kanilang sira-sirang bahay gamit ang kahoy habang ang kanyang itay ay nakapokus sa kanyang mga manok panabong. Hindi na napigilan ni Adelaide na maluha ng makita na nasa maayos na lagay ang pamilyang iniwan. Napansin siya ng kanyang inay at laking tuwa nito na lumapit sa kanya kahit na may kahinaan pa ang katawan. "Anak? Ikaw ba iyan? Diyos ko! Mabuti naman at naisipan mo kaming dalawin ng tatay mo. Hindi ako makapaniwala na nandito ka ngayon sa harapan ko. Ang laki ng pinagbago mo dahil mas lalo kang gumanda anak..." Naluluha pa ng sambit ng kanyang ina. "Namiss ko po ka

