"What do you think you're doing, Revamonte? Pwede bang lumayo ka sa asawa ko." May pagbabanta sa tono ng pananalita ni Alistair ng makita niya ang kaibigan na malapit sa kanyang asawa. Hindi niya ito nagustuhan lalo na ng akmang hahawakan nito ang asawa, pakiramdam ni Alistair umakyat sa tuktok ng ulo niya ang selos. Mabilis naman lumayo si Mikael Revamonte sa babae dahil may pagbabanta na ang mga tingin ng kaibigan. Tinaas pa ng lalaki ang kanyang dalawang kamay senyales na hindi siya lalaban. Inayos naman ni Adelaide ang kanyang pustura at ang kwintas na pinaka-iniingatan niya na maski ang kakambal ay walang ganito. Hindi muna sila nagsalita at hinayaan ang mga bisita na dumaan sa living area kung nasaan sila. Si Alistair na lumapit sa babae at hinapit ito palapit sa kanya ang nagbiga

