Tumigil ang babae sa harapan ng kagubatan kung saan ang dulo nito ay isang abandunadong building. Daig pa niya ang balahibo sa tahimik niyang kumilos ng tuluyan na itong makapasok sa loob ng gubat. Inilabas niya ang baril at nilagay ang maliit na telescope upang makita niya ang susunod na target. Umakyat din siya puno na malapit sa kanya kung saan may malabong na dahon upang maitago ang sarili. Napangiti siya ng malapad ng makita ang mga target niya na nagsilabasan sa mga lungga nila. Dahan-dahan niyang pinipihit ang gatilyo at sa isang iglap ang isa sa lalaking target ay bigla na lamang sumalpok sa lupa na butas na ang noo. Dito na nagwala at maging alerto ang lahat kaya naman mas lalong ginanahan ang babae. "Sige lang mga daga at magtago kayo, subukan niyo akong hanapin bago ko kayo ma

