Isang linggo ang lumipas simula ng manirahan si Adelaide sa puder ni Alistair kasama ang kakambal. Isa lamang ang masasabi niya at ito ay hindi maganda ang nagiging buhay niya. Marami siyang mga bagay na nalaman lalo na ang naging buhay niya noong bata pa siya. Mga alaala na pinilit niyang kalimutan subalit unti-unti ng bumabalik ngayon. Hindi na rin niya mahanap pa si Rica paggising siya dahil umalis daw ito ng biglaan. Gusto niyang magkwento sa kaibigan sa mga panaginip niya na pakiramdam niya ay totoo. "Ang lalim ng iniisip natin huh. Dahil ba iyan sa nawawala mong kwintas? Huwag kang mag-alaala dahil ginagawan na ng paraan ni San Diego." Ani ni Lucky na kalalabas lamang sa malaking mansion dala ang mga baril nito. Hindi kumibo si Adelaide at nanatili ang tingin sa batang si Alis

