Chapter 6

690 Words
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko." Mmm." Sagot ko. " Sorry,I disturbed you in sleeping." Sabi nya sa kabilang linya, Wait parang familiar yung boses. Wtf! Napatayo kaagad ako." Pano mo nakuha yung number ko!?" Takang tanong ko sa kanya. Narinig ko tumawa sya bago sumagot."I asked Keith?" Natatawang sagot nya. "Bakit ka tumawag!? Anong kailangan mo!?" Inis na tanong ko sa kanya, tumawa lang sya. Ang saya naman yata neto!? "Hoyyy tinatanong kita wag moko tinatawa-tawanan dyaan!" Inis na singhal ko sa kanya, Saka lang sya tumigil. "I'm sorry, btw Good morning!" Masiglang sabi nya. "Pss, Anong maganda sa umaga!?" Singhal ko sa kanya. Tinawanan nya lang ako kaya binabaan ko sya. "Ano nanaman!?" Inis nasagot ko. "After school I pick you up,ok." Seryosong sabi nya. "At bakit!?" Takang tanong ko. "Pumayag ka na lumabas tayo, you forget?" Tanong nya. "Hanep. Ano yun date? Di ako mahilig sa date-date na Yan." Sabi ko sa kanya. " It's just a friendly date but if you call that friendly date, with..." Putol nya sa sasabihin. "Ano!?" Parang naghahamon na singhal ko. "Benefits?" Patanong na sagot nya. "Ha! Ayos ka rin no. Ang kapal kapal ng mukha mo!!!" Sigaw ko at binabaan na sya. Sirang-sira na Yung araw ko dahil sa lalaking yun!! "Bad trip!!" Singhal ko. Lumipas ang mga oras at natapos na lahat nang klase nandito na kami ni Keith sa labas nang gate. "Bad mood ka no?" Tanong ni Keith. Tinanguan ko lang sya,"HAHAHA bakit nanaman." Natatawang sabi nya. "Pss." Singhal ko. "Zanaira!" Dinig naming sigaw ni Vincent kolokoy. "Ouch, akala ko ako ang pinunta mo tsh." Pagdadrama ni Keith. "Zanaira." Pagtawag nya. "Ano!?" Inis na sabi ko. "Owww you are still mad at me?" Nakangiting tanong nya. "Sa tingin mo!?" Sarkastikong sabi ko. "Come On, it's a joke." Sabi nya pa. "Nakakatuwa yung biro mo no,tawang tawa nga ako eh." Singhal ko pa. "Ok, I'll pick you up later." Nakangiting sabi nya. "Oh wait lang nakakaistorbo yata ako sa inyo eh." Maarteng sabi ni Keith, kinurot ko naman sya sa tagiliran. "Ouch." "Let's go Kei,See you later ZANAIRA!" Nakangiting sabi nya at hinila si Keith. Pagdating ko sa apartment nagpahinga lang ako saglit at inayos na ang mga gamit po at naligo na. Nagsuot nalang ako ng cocktail dress pastel blue sya na may maliliit na bulaklak na puti. Narinig kong may kumatok sa pinto kaya binuksan ko na. " You look good." Bungad nya saakin. "Pss." Singhal ko. "Let's go?" At nilahad nya yung braso nya. "Ano yan?" Tanong ko. Lumapad Ang ngiti nya sa labi at tinapik yung braso nya."Pss kaya ko sarili ko." Sabi ko at nauna maglakad sa kanya. Pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok doon. "Pinaghandaan mo talaga ah." Nakangising sabi nya habang nagmamaneho. "Pss, pasalamat ka nga at pumayag ako KAHIT di pa kita masyado kilala." Mayabang na sabi ko. "Pwede mo naman ako makilala habang..." Putol nya nanaman sa sasabihin nya. "Ano nanaman!?" Inis na tanong ko. "Nothing." Nakangiting sabi nya. "Saan ba tayo pupunta?" Takang tanong ko sa kanya. Lumapad Naman ang ngiti nya sa labi. "Just wait." Nakangiting sabi nya. "Alam mo bang ikaw lang ang lalaking pumayag ako kumain sa labas ng gantong oras talaga ah." Pagyayabang ko sa kanya. "Ako lang ba talaga." Natatawang sabi nya. "Si Raeden din." Sabi ko sabay tingin sa kanya. "Sino naman yun?" Seryosong sabi nya. "Your ex boyfriend?" Tanong nya "HAHAHAHA,Pss ang seryoso ah. Kuya ko yun." Sabi ko habang natatawa parin. Huminto na ang kotse sa isang restaurant."Come on." Nilahad nya ang kamay pero tinignan ko Lang Yun kaya binaba nya na. Lumabas na ako sa kotse at pumasok sa loob."W-wow." Di ko mapigilan ang pagkamangha dahil ang ganda talaga may hagdan na mataas at may red carpet paakyat, May chandelier din sa gitna. Sobrang romantic din, Bakit naman kaya dito ako dinala ng kolokoy na to, Wala akong pambayad.tsk! "Ah Ma'am Sir this way." Sabi ng waiter. "Let's go." Sabi nya at nilahad nanaman ang braso nya,Wala sa sariling humawak ako doon. <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD