Gumising na ako at nag luto ng almusal, Papasok na ako sa C.R ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito pero Unknown number naman sino naman kaya to?
From: Unknown number
Good morning!❤️ Have a nice day!!
Di ko nalang pinansin at naligo na.Pag pasok ko naka sabay ko si Keith pero hindi ko sya pinapansin, May atraso pa sya sakin ah yung ginawa na kagabi.
"Hey Zai, Are you mad at me?" Takang tanong nya, Pero hindi ko parin sya pinansin." Zai!!" Tawag nya at humarang sa harap ko.
"Oh?" Walang emosyon na tanong ko sa kanya.
"I knew it, are you mad." Nakangiting sabi nya. Nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad." I'm sorry Zai!!" Sinserong Sabi nya pa,pero di ko padin sya pinansin. Nakakahiya yun ah, lalo na napahawak ako sa kolokoy na Vincent na yun." I'm sorry Zai, I'm so sorry please. Forgive me??!" Nagmamakaawang Sabi nya. Tinignan ko lang sya at naupo na, "Zai-" di na nya natapos ang kanyang sasabihin dahil pumasok na si Sir Rigor.
Lumipas ang mga oras hindi ko pa rin pinapansin si Keith."Zai, please forgive me please!?" Sabi nya at malungkot ang mukha, Nasa labas na kami ngayon ng school.
"Kei!!" Tawag sa kanya ng kolokoy nyang pinsan." What happened to your face!?" Natatawang tanong nito at bumaling ang tingin sakin at ngumiti. Tinignan ko lang sya.
"Zai!" Ganoon parin ang mukha parang binagsakan ng langit at lupa.
"Una nako." Walang emosyon na sabi ko, halos maiyak na sya ngayon nakatingin naman saming dalawa si Vincent kolokoy, Halatang nagtataka sya.Tsk!
Maglalakad na ako ng bigla akong yakapin ni Keith." Zai I'm sorry na!!" Naiiyak na sabi nya,Pilit kong tinatanggal Ang pagkakayakap nya pero mas lalo nya pang hinigpitan iyon.
"What happened to two of you??" Takang tanong nya.
"Okay na!" Inis na sabi ko, Pero ayaw nya parin alisin yung pagkakayakap nya.
"Eh baka galit na parin eh!?" Parang Bata na sabi nya.
"Okay na nga." Paninigurado ko sa kanya.
"Totoo ba yan?" Tanong nya pa.
"Mmm." Tango ko
"Wag kana ulit magagalit ah!" Sabi nya at pinunasan ang luha nya.
"Bakit ka umiiyak?" Natatawang sabi ko.
"Kasi ikaw eh!!" Maarteng sabi nya.
"Sige na una na ako." Paalam ko sa kanya.
"Sumabay kana samin." Sabi ni Vincent habang nakangiti.
"Hindi na." Tanggi ko sa kanya. Magsasalita pa sana si Keith kaso tinalikuran ko na sila at nag tuloy-tuloy na nag lakad. Sumakay na ako sa taxi medyo traffic sa kamalas malasan nga naman nasiraan pa si kuya driver, Ang layo ko pa eh tsk!!
"Mam pasensya na po ayaw talaga eh." Paumanhin ni kuya. Nagulat ako ng may huminto sa tapat namin at binuksan ang bintana.
"What happened?" Tanong ni Vincent.
"Nasiraan boss eh." Sagot ni kuya driver.
"Zai, samin ka nalang sumabay." Sabi ni Keith.
"Ayaw ba talaga kuya?" Tanong ko.
"Ayaw talaga mam." Sabi pa ni kuya driver.
"Eto po bayad salamat po." Sabi ko sabay bigay ng pera.
"Nako mam wag napo." Nahihiyang sabi nya.
"Sige na po, sumakay ako sa inyo eh tas di ako magbabayad. Tanggapin nyo na po ito." Sabi ko at pumasok na sa kotse nila Keith, Ano nanaman kaya trip nong kolokoy na Yun at ngiting-ngiti nanaman!?
Nandito na kami ngayonsa tapat ng apartment." Thank you." Sabi ko Kay Keith, At lumabas na ng kotse.
"Ah Zanaira wait!!" Sabi ni Vincent kolokoy at lumabas nang kotse." Pwede ba tayong lumabas bukas?" Nahihiyang tanong nya.
"Tignan ko." Sabi ko sa kanya.
"After school pa naman yun, Pwede kitang puntahan." Nakangiting sabi nya.
"Ge." Walang emosyon na sabi ko.
<3