"Can I court you?"
Napahinto ako sa pagsayaw,Hindi ako halos makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Ano ba tong nagyayari saakin!? Hindi naman ako ganito sa ibang lalaki na gustong manligaw saakin dati!!!
"I understand if you are not ready, I can wait." Nakangiting sabi nya.
"H-ha?" Wala sa sariling sabi ko,Wtf!?!
"I understand if you are not ready-"
"A-ah,hindi!" Putol ko sa sasabihin nya, Sumeryoso naman yung mukha nya." Ang ibig kong sabihin hindi naman sa ganon." Patatama ko."S-sige." Utal na sagot ko, Ngumiti naman sya.
"Pumapayag ka!? I mean pumapayag ka na ligawan kita." Masayang sabi nya, tumango naman ako. Nagulat ako nang yakapin nya ako bigla."thank you." Sabi nya pa habang nakayakap parin.
"Oh masyado ka naman yatang masaya di pa naman kita sinasagot." Natatawang sabi ko.
"How's your 'DATE' with 'VINCENT'?" tanong ni Raeden.
"Eh?" Takang tanong ko, Pano nya naman nalaman!?
"You left your phone." Sabi nya at kinuha sa bulsa nya yung cellphone ko.
"Ok Lang." Sabi ko at kinuha sa kamay nya yun pero tinaas nya dahil tumunog iyon,Wtf! Sinagot nya iyun tumingin naman sya saakin sabay ngisi nang ibigay nya.
"Goodnight daw with I love you." Nangiinis na sabi nya,nanlaki naman yung mata ko.
"E-eh?!?" Takang tanong ko, Tumawa naman sya.
"Masyado ka naman yatang affected? It's a joke." Natatawang sabi nya, Sinamaan ko naman sya nang tingin
"Pss." Singhal ko, At tinalikuran na sya .
"Come On Zanaira, It's a joke!" Sigaw nya pa pero di ko na sya pinansin, Pumasok na ako sa kwarto ko at dumaresto sa C.R.
"How's your sleep?" Tanong ni Dad.
"Ok Lang." Walang emosyon na sabi ko.
"What do you want for Lunch?" Tanong nya pa.
"Come On dad don't treat her like a baby, She's have a suitor already." Pangiinis pa ni Raeden.
"Baka hindi ka makatapos nang college nyan at love life mo nanaman yang inuuna mo." Sarkastikong sabi ni Muneera, Hindi ko nalang sya pinansin at ayokong makipagtalo nanaman sa kanya Ang aga-aga!
Pagtapos kumain ay umalis na sila paakyat na ako nang humabol si Reese." Ate Zanaira! Tawagan mo po si kuya Vincent papuntahin mo sya, Please" Sabi nya pa.
"Baka-" di ko na natapos ang sasabihin ko.
"Mam si sir Vincent po." Sabi nang katulong at pumasok na nga yung kolokoy na yun.
"Kuya Vincent!" Sigaw ni Reese at niyakap kaagad sya." Buti po dumating kayo,Wala po akong kalaro eh." Sabi nya habang nakayakap parin.
"Nandyaan naman si Ate Zanaira mo." Nakangiting sabi nya sabay tingin sakin.
"Di naman po nakikipaglaro saakin si ate Zanaira lagi nya pong sinasabi na 'may gagawin daw sya', wala daw sya sa mood." Pagsusumbong pa ni Reese sa kanya.
"Gaano ba kasungit si Ate Zanaira mo?" Tanong nya habang nakatingin saakin,aba ano pinapalabas nya!?
"Ayos lang naman po, pero sobrang sungit nya kapag tapos nila mag-away ni Mommy." Inosenteng sabi pa ni Reese, Tumingin naman sya saakin ulit at ngumiti. Sinamaan ko sya nang tingin at tinalikuran ko na, aakyat na ako nang magsalita nanaman yung kolokoy na yun.
"Where are you going?" Tanong nya kaya humarap ako.
"Sa kwarto ko,kayo lang naman maglalaro hindi ako kasama." Masungit na sabi ko at umakyat na, May binulong pa sya kay Reese pero di kona naintindihan.
Kakapasok ko lang nang may kumatok,inis kong binuksan yung pinto. Bumungad saakin si Reese at yung kolokoy na Vincent na yun! "Ate Zanaira sama ka po saamin." Nakangiting sabi ni Reese.
"Dito lang naman kayo maglalaro, bakit kailangan kasama pa ako?" Takang tanong ko.
"Pupunta po kami sa Mall ate! Sama kana po please!" Sabi nya pa.
"Pagbigyan mo na yung Bata." Nakangiting sabi ni Vincent.
"Magbibihis lang ako." Napipilitan na sabi ko.
"Yehey!" Masayang sabi ni Reese, Lumapad naman yung ngiti ni Vincent.
Nagsuot nalang ako ng t-shirt na gray at high waisted jeans nag rubber shoes nalang din ako,Lumabas na ako at bumama. Pagbaba ko ay hinila kaagad ni Reese yung kamay ko. Tahimik ako habang nasa byahe si Reese naman ayun sobrang daldal, Akala mo naman ngayon lang nakapunta sa Mall eh halos tatlong araw sa isang linggo kung pumunta sila sa Mall pss!!! Pagbaba namin nagmamadali syang pumasok sa loob.
"Saan mo gusto unang pumunta?" Nakangiting tanong ni Vincent kay Reese.
"Nood po tayo sa Cine kuya Vincent!" Excited na sabi nya.Pagpila namin ay nakatingin kay Vincent lahat nang babae,akala mo naman nakakita nang artista!
"Ang pogi ni Kuya!" Maarteng sabi nang babae
"Oo nga kaso may anak na sayang!" Rinig ko pang sabi nang isa." Asawa nya yata yung kasama nya." Malungkot na sabi pa nito,Wtf!? Asawa!? Talaga lang ha!
Ngiting-ngiti naman yung kolokoy na yun." Asawa daw kita." Bulong nya kaya sinamaan ko sya ng tingin. Pumasok na kami at naupo nasa pagitan naming dalawa si Reese
Natapos na ang palabas, Bigla naman akong nagutom."hmm, Reese." Tawag ko sa kanya.
"Bakit ate?" Tanong nya.
"Pwede kain muna tayo?" Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Are you hungry?" Tanong ni Vincent.
"Magaaya ba akong kung hindi." Masungit na sabi ko sa kanya, Nginitian nya naman ako.
"Doon nalang tayo kumain kuya Vincent!" Turo ni Reese sa isang restaurant, Kaya doon kami pumunta.
<3