Chapter 13

868 Words
Tatlong oras ang lumipas nandito kami ngayon sa arcade naglalaro silang dalawa nung kolokoy na Yun."Mmm." Sagot ko habang abala sila ni Reese sa paglalaro . "Kasama mo si Reese?" Tanong nya. "Mmm." Sagot ko pa. "Ok,Go home before dinner." Sabi nya pa at binaba na ang linya. Tapos na silang maglaro nag-aya naman si Vincent na bilhan nang damit si Reese. Tatlong store yung pinasukan namin pagtapos ay nagpaalam saglit si Vincent na may pupuntahan lang sya kaya pumunta na kami sa kotse nya at doon naghintay." Ate nasaan napo si kuya Vincent?" Tanong ni Reese. "Malapit na Yun, May pinuntahan lang sya." Paliwanag ko tumango naman sya. "Saan ka ba pumunta!?" Takang tanong ko sa kanya, Pero Nginitian nya lang ako tsk! Sumakay na kami sa loob at nagmaneho na sya pauwi, Pagdating namin ay pumasok na sya rin sya sa loob dahil ang dami-dami nang mga binili nya. Pagpasok namin ay nakauwi na pala sila Lolo kaya lumapit kaagad si Reese sa nanay nya at nagkwento sya nang nagkwento, Pinasabay narin nila si Vincent sa pagkain." Ikaw ba hijo nililigawan mo itong apo kong si Zanaira?" Prangkang tanong ni Lolo sa kanya kaya nanlaki ang mata ko, Nasa painom naman nang tubig si Vincent. Kailangan ba talaga daretsuhan yung tanong!? "O-opo." Nahihiyang sagot nya. "Di mo naman sinabi na si Vincent pala yang manliligaw mo." Biro ni Lolo. "Di naman kayo nagtatanong eh." Walang emosyong sagot ko natawa naman sya, nagulat naman si Vincent na nakatingin saakin. Ano bang nakakagulat sa sinabi ko!? Tsk! "Ganyan talaga sumagot yang si Zanaira, wag kana magulat hijo." Natatawang sabi ni Lolo sa kanya kaya nagtuloy na sya sa pagkain. "Ikaw ba hijo ay may lahing Chinese?" Tanong sa kanya ni Lolo, uminom naman sya bago sumagot. "Opo, my father is Chinese and my mother is Filipino. Pero sa America po kami nakatira." Pagpapaliwanag nya. "Ano namang ginagawa mo dito sa pilipinas? Hindi kaba nag-aaral?" Tanong pa ni Lolo sa kanya. "Patapos na po yung pinapagawa ni Mommy na bahay dito, Dito ko na rin po naisipang ituloy ang pag-aaral ko." Sagot nya, ngumiti naman sa kanya si Lolo. "Kolehiyo kana rin ba katulad nitong apo ko?" Nakangiting tanong nya. "Opo." Magalang na sagot nya. "Anong balak mo na kuning kurso?" Tanong ni Lolo habang naghihiwa nang steak. "Engineering po." Nakangiting sagot nya, Lumipas na ang mga oras. "Babye kuya Vincent!" Paalam ni Reese sa kanya, kinawakayan na naman ito. Paglabas namin sa pinto ay umakyat na sila. "Bye." Paalam nya, Nagulat naman ako nang hapitin nya ang beywang ko nakatingin naman ako sa kanya. Hindi ako makagalaw ngayon! Sobrang lapit nang mukha naming dalawa ngayon halos maamoy na mamin ang hininga nang isa't isa. Wtf!? "I want to kiss you." Nakangising sabi nya habang nakatingin sa labi ko. "Kiss me then." Wtf!? Ano ba tong sinasabi ko!? Gusto kong magprotesta ngayon!!! Mas lalo Naman syang ngumisi saakin, Unti-unti nyang nilapit ang mukha nya hanggang sa maglapat ang labi naming dalawa. Siniil nya ang labi ko nararamdaman ko naman na lalong humigpit ang pagkakayakap nya gamit ang isang kamay na nakapulupot sa aking beywang at hinawakan nya naman ang kamay ko para ilagay sa leeg nya, ngumiti naman sya habang hinahalikan parin ang labi ko. Mas lalo nyang siniil ang labi ko at sinubukan nyang ibuka ito, nararamdaman kong kinagat nya ang pang ibabang labi ko at ngumiti bumitiw na sya sa labi ko at dahan-dahang iminulat ang mata ko nakita ko namang nakatingin sya saakin habang nakangiti kaya biglang uminit ang mukha ko, Bakit ba nagkakaganto sa lalaking to!? Di ako ngayon makatingin nang daretso sa mata dahil sa hiya, nagulat ako nang hawakan nya ang pisngi ko at tinignan nang daretso sa mata. "Good night." Nakangiting sabi,inilapit nya ulit ang mukha at ginawaran ulit ako nang halik."Good night...Babe" Natauhan naman ako dahil sa huling salitang sinabi nya. "H-hoy! I-kaw! Hindi porke n-naka...h-halik ka! T-tayo na ah!" Inis na sigaw ko sa kanya. "Bakit nauutal ka?" Nakangiting sabi nya. "Eh k-kase... Basta!" Inis na sabi ko pa. "Sige na mauna na ako sobrang pula na nang pisngi mo eh." Pangiinis nya. "H-hindi ah." Tanggi ko." Bahala ka nga!" Singhal ko at pumasok na, tumakbo ako papunta sa kwarto sa sobrang hiya. Bakit ba kasi ako pumayag!? Arghhhhh! Napaayos ako nang bumukas ang pinto." Bakit ba hindi ka kumakatok!?" Inis na reklamo ko Kay Raeden. "Are you ok?" Nag-aalalang tanong. "Bakit naman hindi ako magiging ok?" Pabalik na tanong ko sa kanya. "Sabi ni ate Emma na tumatakbo ka daw kanina paakyat,Kaya pinuntahan kita." Nag-aalala parin na sabi nya. "O-ok lang ako." Sabi ko pa. "Bakit namumula yang pisngi mo? Masama ba ang pakiramdam mo?" Magkasunod na tanong nya. "Ok nga lang ako." Paninigurado ko sa kanya. "Are you sure?" Tanong nya pa. "Oo nga,ok lang ako." Sabi ko pa. "Ok, Good night." Sabi nya pa at lumabas na, Namumula ba talaga yung pisngi ko!? Pumasok na ako sa banyo para naglinis nang katawan at mag sipilyo, Pag labas ko ay natulog na ako. <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD