Isang taon na nanliligaw si Vincent. Lumalabas kami minsan at Sinusundo nya ako pagtapos nang klase sobrang magkasundo narin sila ni Lolo at Reese. Patapos ng 1st year college kaya hindi kami masyado ngayong nagkikita dahil nga patapos ay marami na kaming ginagawang dalawa, Sa mansyon na rin ako ngayon tumutuloy dahil pinipilit ako ni Raeden tsk! Sa May na ang birthday ni Vincent pero wala pa akong maisip na regalo sa kanya. Nandito ako ngayon sa Mall tumitingin nang pwedeng iregalo pero wala parin akong nagugustuhan na pwede na iregalo kaya lumabas na ako at pumasok s Wasa kotse ko, nagmaneho na ako pauwi.
Pag-uwi ko ay wala pa daw sila sabi ni ate Emma, Si Reese naman daw nasa kwarto nya nanonood kaya umakyat na ako sa kwarto ko at ginawa ko na ang mga kailangan kong ipasa para bukas,Habang gumagawa ako ay tumunog ang cellphone ko."Oh?"
"You're busy?" Tanong ni Keith.
"Bakit?" Pagbalik ko ng tanong sa kanya.
"You know naman na hindi na tayo nakakapag usap." Maarteng sabi nya.
"Pss, Nag-uusap na nga tayo." Walang emosyon na sabi ko.
"In person Zanaira!" Maarteng sigaw nya sa kabilang linya.
"Sa susunod nalang." At binaba na ang linya.
"Mam, pinapatawag napo kayo ni Sir Raeden." Sabi ni ate Emma habang nasa labas nang kwarto ko.
"Sige." Sagot ko at bumaba na.
"How's your School?" Tanong ni Dad habang kumakain kami.
"Ok lang." Sagot ko sabay subo nang kanin at nang pork.
"Are you ready?" Nakangiting tanong ni Lolo.
"Eh?" Takang tanong ko.
"We have a flight, We're going to Spain." Sabi pa ni Lolo.
"Bakit? Kailan?" Magkasunod na tanong ko.
"On May 20, We have a family business with Mr. Rodriguez." Paliwanag ni Lolo.
"Bakit kailangan sa Spain pa?" Kunot noong tanong ko." Hindi ako sasama." Walang emosyon na sabi ko at nagtuloy-tuloy sa pagkain, Pinipilit nila ako pero di ko sila pinansin at tinapos na ang pagkain. Pagtapos ay umakyat na ako sa kwarto ko naglinis na ako nang katawan,Matutulog na ako nang may kumatok kaya naupo ako sa kama bumukas ang pinto at pumasok si Raeden.
"Kailangan mong sumama Zanaira." Seryosong sabi nya at naupo sa gilid ng kama.
"Bakit ba kailangan na kasama ako!?" Takang tanong ko sa kanya.
"4 months tayo magiistay doon,Kaya kailangan kasama ka. Sabi ni Dad doon mo nalang daw mag 2nd year of college, Please Zai for family." Paliwanag nya pero hindi ko sya kinibo." I wait your answer." Sabi nya pa at lumabas na nang kwarto ko. Paglabas nya ay saktong tumunog ang cellphone ko Napangiti ako nang makita ko Kung sino Ang tumatawag,kaya kinuha ko kaagad yung cellphone ko. "Mmm." Sagot ko.
"Can we meet?" Tanong ni Vincent.
"Ngayon na!?" Takang tanong ko sa kanya.
"Tomorrow,I pick you up after school." Sagot nya sa kabilang linya.
"Sige." Nakangiting sagot ko.
"How are you?" Tanong nya.
"Ok Lang." Pagsisinungaling ko.
"You're not okay." Seryosong sabi nya.
"Ok lang nga ako." Paninigurado ko sa kanya.
"What happened?" Tanong nya pa, Tsk ganon nya ba talaga ako kakilala na kahit anong pagsisinungaling ang sabihin ko ay di ko sya makukumbinsi!? "Zanaira?" Tanong nya pa.
"H-ha? Ah wala, Ok lang talaga ako." Pangungumbinsi ko pa sa kanya.
"Fine, Goodnight." Sabi nya pa Halatang hindi naman sya kumbinsido sa sinabi ko.
"Goodnight." Nakangiting sabi ko at Natulog na.Natapos ang klase ay agad akong lumabas nang classroom at naglakad papunta sa labas, Hindi ko alam kung bakit sabik na akong makita si Vincent hindi naman ako dati ganito. Inaamin ko namimiss ko na sya... Siguro ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? Pero hindi ko naman naramdaman to dati kay Jason. Si Jason sya ang lalaking unang nanligaw saakin sya din ang unang lalaki na nasaktan ako nang sobra...
[FLASHBACK]
tatlong linggo na ang lumipas at wala paring paramdam si Jason halos araw-araw kong naghihintay kahit manlang isang text ay wala akong natatanggap kaya napagdesisyunan ko na pumunta sa kanila dahil baka may nangyaring masama, Pagpunta ko doon ay bumungad kaagad saakin ang nanay nya." Si Jason po ba nandyaan?" Tanong ko.
"Kakaalis nya lang hija,may pupuntahan daw sya. Date yata dahil ayos na ayos sya kanina eh." Nakangiting sabi nang nanay nya.
"Saan daw po?" Tanong ko pa.
"Hindi nya sinabi eh." Sagot ng nanay nya.
"Sige po, Salamat." Sabi ko pa at sumakay na sa kotse ko, Date? Wala naman syang sinabi na lumabas kami ah. Natauhan ako nang tumunog ang cellphone ko, Sino naman Kaya to?
From: Unknown number
Hi! Kaibigan to ni Jason, Gusto ko lang sabihin sayo na may girlfriend na sya... Sa totoo lang 2 years na silang dalawa, pasensya na kung ngayon lang ako nagkalakas nang loob na sabihin to sayo ah, Kung hindi ka naniniwala eto proweba na matagal na sila.
Biglang may nagpop-up ulit kaya tinignan ko, Picture ni Jason at nang isang babae...
From: Unknown number
2 anniversary nila yan.
Naramdaman ko na uminit ang mata hanggang sa bumagsak na ang mga luha ko, Hindi na ako nagrepy at nagmaneho na pauwi. Dumaresto ako sa kwarto ko at doon ko binuhos lahat nang sakit at galit ko.
- End of Flashback-
"Zanairaaaaaa!!!" Natauhan ako dahil sa sigaw ni Keith, Tinignan ko Kung kasama nya si Vincent pero sya lang mag-isa." Ah Wala si Vincent, May kailangan daw syang gawin." Sabi nya pa dahil napansin nya ako na may hinahanap sa likuran nya, Parang may kirot onti sa puso ko dahil hindi matutuloy ang date naming dalawa.
"O-ok." Dismasyadong sabi ko.
"Why? May date ba kayo?" Takang tanong nya.
"H-ha? Wala." Pagsisinungaling ko.
"Yun pala eh, let's go!" Masayang sabi nya.
"Saglit lang saan tayo pupunta?" Takang tanong ko sa kanya.
"Kakain." Nakangiting sabi nya.
"Sa susunod nalang may gagawin pa ako." Palusot ko, pero sa totoo lang nawalan na ako nang gana.
"Psh, Fine!" Maarteng sabi nya.
"Sa birthday ni Vincent." Sabi ko pa.
"Of course magkikita tayo doon no!" Maarte parin na sabi nya.
"Pss, Sige na." Paalam ko at sumakay na sa kotse ko, Ginawa ko nalang lahat nang mga kailangan ko at naligo na. Pagtapos kong maligo ay tumunog ang cellphone ko." Oh!?" Inis na sagot ko, Naiinis ako sa kanya! Hindi manlang nya sinabi na hindi matutuloy sana di nalang ako umasa.
"I'm sorry." Sabi nya kaagad.
"Mmm." Walang emosyon na sabi ko.
"I'm sorry Zai, Nakalimutan ko nang sabihin ang dami ko kasi kaninang ginawa." Pagpapaliwanag nya.
"Ge." Wala paring emosyon na sabi ko at binabaan na sya, Bahala sya sa buhay nya! Grrrrr!
Nakailang tawag sya pero hindi ko sinasagot at natulog nalang ako, Kinabukasan ay sobrang dami nang nag pop-up sa cellphone ko.
From: Vincent
I'm sorry.
From: Vincent
I'm sorry Zanaira.
From: Vincent
Answer your phone.
From: Vincent
I'm so sorry Zai, Please.
Gusto ko syang tawagan pero kailangan kong panindigan tong pagtatampo ko sa kanya! Bumaba na ako nagulat ako nang makita ko si Vincent na nakaupo sa sala, Nginitian nya ako pero hindi ko sya pinansin at pumunta sa kusina. Saturday ngayon kaya nauna na sila Lolong nag breakfast saakin, 9am na akong nagising 8am silang umalis.
<3