Inaayos ko ang mga gamit ko ng mag ring ang cellphone ko."oh?"
[ Zai where you?] Tanong nya.
"Papasok palang." Sagot ko
[Ok hurry up. Sa gym kana dumaretso.] Sabi nya.
"Bakit sa gym?" Tanong ko sa kanya.
[I haven't told you yet,there seems to be an announcement.] Seryosong sabi nya.
"Ge." Walang ganang sabi ko at binabaan na sya ng linya
Kinuha ko na lahat ng gamit ko at lumabas na sa apartment na tinutuluyan ko. Nagcommute ako papuntang school. Mabuti nalang at Hindi traffic kaya mabilis akong nakapasok. Pagkarating ko ay mabilis akong pumunta sa gym.
Pumunta ako sa unahan at doon ako pinaupo ni Keith sa katabi nyang upuan. Mag uumpisa na raw sabi nya saakin. Matatanong pa sana sya pero umakyat na yung announcer.
"Good morning Seniors!" Masiglang Sabi nito.
"Good morning!" Bati pa ng mga students dito.
"Ok! Ngayon alam kong nagtataka kayo kung ano ang announcement. Sasabihin sainyo yun kung ano iyon. pero syempre tawagin muna natin ang pinakamamahal nating dean. Dean Ramos!!" At umakyat na nga sa stage si Dean Ramos.
"Good morning Seniors!" Bati nito.
"Good morning Dean!" Malakas na bati ng mga studyante.
After 2 hours
"Hey Zai!" Tawag sakin ni Keith. Pero nag tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at di ito pinansin."Zai!" Sabi pa nito at humarang sa harapan ko.
"Oh?" Walang emosyong tanong ko sa kanya. Tsk wala ako sa mood para sa kadaldalan nya.
"Why your so sungit nanaman!?" Maarteng sabi nya.
"Wag ngayon." Maigsing sabi ko at tinalikuran ko na sya.
"Ok. I know na." Parang nagtatampo pangsabi nya at di ko na sya pinansin hanggang makarating kami sa room.
Wala kami masyado ginawa pero ang dami ng assignment hanep.
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng room. Pero syempre ayan nanaman yung maingay na bunganga ni Keith.
"Zai, Bakit late ka kanina?" Seryosong tanong nya.
"Di ako nagising ng maaga." Walang emosyon na sabi ko.
"Bakit di ka maagang nagising?" Makulit na tanong nya pa.
"Kasi tanghali na ako nagising."sagot ko at tuloy-tuloy na naglakad.
"Why your so pilosopo!?" Maarteng reklamo nya.
"Pss." Sabi ko sabay ngisi.
"Mmm.Btw pumunta ka sa party ko sa Sunday ah.I will wait for you byeeee!!!" Malakas na sabi nya at naglakad papunta sa sasakyan nila.
Paglabas ko ng gate nakita kong nakatayo si Raeden habang nakacross ang kamay at nakasandal sa pader. Nang makita nya ko ay umayos sya ng tayo at naglakad papalapit sakin habang nakangiti.
<3