Napadaan siya sa kuwarto ni Simon.Pagkalapit doon ay natigilan siya at hindi makalapit dahil naririnig niya ang mag-amang nagbabangayan. "Ganyan na ba lagi ang gagawin mo, Simon?" Ang galit na sabi ni Tito Raymundo habang kinikuwelyuhan ito. "Raymundo, tama na. Umuwi na nga dito ang anak mo para maka iwas sa gulo? Ngayon, sa halip na makakapag-isip siya ng maayos pinagugulo mo pa ang utak niya?" Awat naman ng mommy niya. "Simon, hijo dito kana lang kasi sa bahay. Huwag ka nang umalis ng bahay? Mamaya niyan sinusundan ka pala ng mga nakabangga mo? Mabuti na ang mag-ingat kaysa magsisi tayo sa huli." "Mommy-Tita, may meeting lang ako, ano ba? They won't follow me here? Masyado nang malayo ang Manila.I need to submit my papers?" Dinig niyang sagot ni Simon. Nakaramdam siya ng takot para

