Hindi alintana ni Lorraine ang gasgas at sugat sa balat niya na na nasasagi sa mga maliliit na sanga o sa mga nakausling kawayan. Basta tumatakbo lang siya nang mabilis. Nagpahinga lang siya saglit pagkatapos ay nagmamadali na siyang umalis sa pinagtataguan niya. Malungkot lang siya dahil hindi niya nahanap si Hope. Hindi niya man lang ito nagawang pasalamatan bago siya nagpatuloy. She was crying because he miss Hope; her one and only friend. Kahit pa daga ito ay kaibigam na ang turing niya rito. Siguro nga nababaliw na siya. Pinahiran niya ang mga dumadaloy na luha. Mabilis din ang lakad takbo na ginawa niya. Padilim na at kailangan na niyang makalabas sa gubat. Kailangan na niyang makarating sa sementadong daan. "Ah!" sigaw niya nang mapatid ng kung ano ang isa niyang paa dahilan n

