Tinakpan na lang ni Lorraine ang dalawang tainga dahil sa sunod-sunod na ingay ng baril na tumatama sa kotse. Pakiramdam niya tumatagos na ang mga bala. Nanatili lang siyang nakahiga sa upuan habang sina Alonzo at Esteban ay nanatili ring nakayuko. Bakit kasi pinahinto pa nito ang kotse sa kalagitnaan kaya ayan tuloy tinagtag sila ng bala! Inis na asik niya sa isipan. Paano na ngayon? Hihintayin ba nila na sumabog ang kotse? Mamamatay na talaga siya na hindi pa nararanasan kung paano ang malabasan. "Move the car sideways!" utos ni Esteban sa driver nito na parang si The Rock ang katawan sa laki. Kaagad naman itong sumunod. Iniikot nito ang kotse para kaharap ng van ang kabilang side. Palagay niya ay bulletproof ang kotse dahil hindi ganoon kadali nabasag ang salamin ng bintana kahit

