"Anak ng–putek!" pagmumura ni Raquel nang maabutan siya sa kwarto na ganoon pa rin ang suot. Naka-duster lang. "At ano ang gusto mong palabasin? Ako pa ang magbihis sa'yo, gano'n?" inis na wika ni Raquel. Nameywang ito. "H-hindi ko kayang suotin ang lingerie na 'yan, hindi ko masikmurang magsuot niyan," banayad niyang sagot saka yumuko. Humalakhak ito. "At ano'ng akala mo? Ikaw ang boss at ikaw ang masusunod? Masyado kang ambiyosa!" Dinuro nito ang noo niya bago muling nagsalita, "Pagmamay-ari ka na ni Esteban, stupida! Pasalamat ka at hindi ako ang nagmamay-ari sa'yo kung hindi ay lumpo ka na!" Napakagat-labi siya. Pinipigilan niyang hindi mapaiyak. Nilakasan niya na rin ang loob. Tumayo siya at hinarap ito, sinalubong ang galit na tingin. "Hindi ako pagmamay-ari kahit kanino!" as

