Hindi niya akalain na mumurahin niya na naman si Esteban nang harap-harapan. Hindi na siya nadala. Inirapan niya si Mr.Sy dahil nakapaskil pa rin sa mga labi ang malapad na ngisi nito. "Come to Daddy, baby," nang-aakit na wika ni Mr.Sy. Gusto na niyang maiyak hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit na nararamdaman. Akala niya pa naman ipagtatanggol siya ni Esteban. Lihim siyang natawa sa sarili. Ito nga ang taong pumatay sa ama niya at nagpapahirap sa kaniya ngayon, tapos ipagtatanggol siya? ANo pa ba ang aasahan niya rito? Ang tanga mo talaga Lorraine! Dalawang hakbang na lang ay makakarating na siya kay Mr. Sy. Nakabukas na ang mga braso nito para yakapin siya. Ew! But to her surprise Esteban held her hand. Napatingin siya sa isang kamay na hawak nito bago napako ang tingi

