8 (Rhey POV) 7 am. Bumaba na ako papuntang kusina para hanapin si Nea. Maayos na ang pakiramdam ko at kailangan ko nang pumasok sa Resta Rio. Wala si Nea sa room niya. Pinaayos ko na kasi ang storage room at ginawang room ko, para siya na lang gagamit sa room ko. Wala rin siya sa kusina.Hmp saan kaya ang babaeng yun? Dali dali akong tumakbo papunta sa garden. Tama ako, nandun siya masayang nagdidilig ng mga halaman. Mula nung nakasama ko siya sa bahay dumami na ang alagang bulaklak at halaman ko dahil inaalagaan niya at bumibili ng dagdag pang bulaklak at halaman. Patakbo akong lumapit sa kanya. "Nea, dito ka lang pala. " Nagulat siguro siya dahil paglingon niya binuhusan niya agad ako ng tubig. "OH MY HEAVEN, RHEY!? " Damn! Basang basa ako at ang lamig. "Oh no, Rhey I'

