3
(Nea POV)
"Rhey? Where are you? "Kakagising ko lang. Pagkatapos maligo bumaba na ako.
Suot ko ang tshirt niya dahil hindi pa dumating ang baggage ko. Ang sarap pala ng pakiramdam kung suot ang damit niya. Ang bango at parang nasa langit ang pakiramdam. Para bang yakap lang ako ni Rhey.
Tama ba tong ginagawa ko? Nakikitira ako sa kanya. Sana wala pa siyang girlfriend kung meron masasaktan talaga ako.
One sided love lang naman ang meron kami. Ako lang ang may gusto sa kanya at siya napilitan lang na patuluyin ako sa pamamahay niya.
Teka saan kaya siya?
"Rhey? "
"Nea, here. I'm here, your luggage dumating na. "Rinig kong tawag ni Rhey galing sa labas.
Tumakbo ako papunta sa labas. Nakita kong nagbubuhat ng mga maleta ko Rhey papasok.
"Anu ba tong mga dala mo ang bibigat, mga bato ba to? "Sabi ni Rhey habang inaakyat ang mga gamit ko.
"Hey, wag mo nang galawin yan ako na bahala dyan. Breakfast is ready. "Dagdag pa ni Rhey.
"Ohkeh. "Sagot ko na lang at naglakad na papunta sa kusina.
Pagkatapos kumain at naglinis ng kusina tumakbo na ako papunta sa taas para iarrange ang mga gamit ko.
"Hey hey hey, no not that. Don't open it. "Pigil ko kay Rhey nung bubuksan niya na sana ang bag ng mga undies ko.
"Huh? Why? "
"Ako na bahala diyan. "
"Sorry nga pala kung sa iisang kwarto tayo matutulog, kasi yung isang room puno ng mga gamit ko sa pagluluto. "
"Ok lang, kahit sa sala ako matutulog dahil nakikitira lang naman ako. Pero magbabayad ako ng renta kahit magkano. "
"Nah no need for that... Aren't you scared? "
"Scared? Why? "
"Oh, mukha bang mapagkatiwalaan ang mukha ko? "
Natawa ako dun, ang cute niya.
"Hmp yeah. "
"You have a part time job right? "
(Play: Statue by lil Eddie)
He is really cute and cool. Siguro may girlfriend na siya. Kasi gwapo siya, may trabaho, nasa kanya na ang lahat.
"Hey? Are you listening? "
"Ah eh sorry Rhey, what is it again? "
"Sabi ko susunduin kita after work mo. Anung oras ba ang labas mo? "
"Oh no need for that. Kaya ko nang umuwi. "
"No, magaalala ako kung uuwi kang magisa kaya anung oras ang labas mo? "
Pumapasok kasi ako bilang call agent sa isang call center. Sa susunod buwan pa naman ang pasukan.
Wait? Tama ba ang narinig ko? Magaalala siya? Waaaah natuwa naman ang puso ko dun.
"So? What time? "
"Start 3 pm to 10 pm. "
"Sige heres my number call me kung uuwi kana, susunduin kita. "Abot niya ng calling card.
Oh that's cute.
"Ok sige. Thankyou please take care of me Rhey. "I smile at him.
"I will. "He said seriously.
Di nga? Iingatan niya ako? Assuming ko talaga!
"But no need to pick me up after work, I know you have something to do after work or just go home and rest. "
"No Nea, it's fine. Just call or text me. "
Rhey is obviously a total opposite of me. He is cool and serious.
"See you later. Kailangan ko nang pumasok sa Rio. "
"Ok sige, thankyou so much. And please take care. "
"I will, you too OK. and dont forget to call me."Lumabas na ng pinto si Rhey.
Haist. Masaya ako dahil kasama ko na siya after 5 years nagkita rin kami. Pero alam kong di permamente ito dahil baka may girlfriend na siya.Baka magbago ang isip niya at paalisin ako.
=Forward=
Mabilis tumakbo ang oras mag 10 pm na pala.
Naku baka totohanin nga ni Rhey ang pagsundo saakin kaya tinawagan ko siya.
.. Calling Rhey..
"Hello? "
"Rhey its me Nea. Wag mo na lang akong sunduin mamaya kasi may dadaanan pa ako. "
"Pero nasa labas na ako nang building niyo. "
"Ha? Kanina ka pa ba dyan? "
"15 Minutes ago. "
Sumilip ako sa bintana, nasa 8th floor kasi ako. Naku umaambon pa naman.
Tsk. Malapit ng mag 10 pm kaya nagpaalam na ako sa team leader ko na uuwi na.
Pagkatapos magpaalam dali dali akong lumabas.
"Nea, hi. "
"Oh hi Duke. "Si Duke ay team leader din sa isa sa mga call team ng company na pinapasukan ko.
"Hatid na kita pauwi. "
"No need, it's fine Duke. Kaya kung umuwi magisa. "
"Pero gabi na. "
"May sundo ako, kaya salamat na lang. "
"Sige, ingat ka. "
"Ikaw rin. "
Pumasok na ako sa elevator at nginitian pa si Duke.
Paglabas ko bang building, nakita ko si Rhey na nakatayo malapit sa statue. Nilapitan ko agad siya.
"Nea. "Bati niya agad pagkakita saakin.
"Whoa, umaambon, basa ka na! I'm so sorry to keep you wait. Sabi ko naman sayo na di mo na kailangang sunduin ako. "Ginulo ko ang buhok niya para matanggal ang tubig galing sa ambon.
"It's fine. Let's eat. "
"May bukas pa bang restaurant ngayon? "
"There's a Japanese Restaurant near. "
"Ohkey, di ka pa ba kumakain? Gusto ko nang umuwi e. "
"Sige sa bahay nalang tayo kakain. "
Naglakad na kami papunta sa kotse niya. Minsan lang siyang magsalita, minsan niya lang din ako tinitingnan. I feel really safe having him beside me.
"Rhey wait! "Hinawakan ko ang braso ni Rhey, kanina ko pa kasi napapansin na may sumusunod saamin.
"What is it? "
Nilibot ko ang paningin ko at wala namang tao. Haist alas dyes na kasi ng gabi at umaambon pa.
"Ah eh, nothing. Sorry. "
Sumakay na kami sa kotse niya at tahimik lang habang binabaybay ang daan pauwi.
..
Pagdating sa bahay hinubad niya na ang coat niya at bag.
"Are you alright? "Tanung niya saakin.
"Yeah... I'm fine. "
"Maligo ka na, hot bath para di ka siponin. "Aniya at tumalikod na.
Pinigil ko ang braso niya.
"Need something? Anung nararamdaman mo? "Alalang tanung niya at kinapa ang noo ko.
"I'm fine. I just want to say thankyou. You are really kind but so serious. "
Nagsalpukan ang mga kilay nito. Tinitigan niya ako at hinawakan ang mukha ko.
Nilapit niya ang mukha saakin. Teka anung gagawin niya.
"Achooooooo. Oh oh, sorry. "
Napabahing ako sa mukha niya, shit.!
"So cute. Take a bath first. "He smiles, waah he smile, what the hell akala ko talaga di kami magkasundo.
"You are so cute too Rhey. I can't take it anymore. "Niyakap ko agad siya ng mahigpit.
"Hey wait! Ang kasunduan natin! "
Mukhang natatakot siya.
"Sorry Rhey, masaya lang ako dahil pumayag kang tumira ako sa bahay mo. Ang swerte ko. "
Tinitigan niya lang ako at di ko mabasa ang emosyon sa mukha niya.
"Maligo ka na. Ihanda ko lang ang pagkain mo. "Aniya at naglakad na papunta sa kusina.
Papasok na sana ako sa banyo nang nahagip ng tingin ko ang taong nakahoodie sa labas ng bintana nakatingin sa loob ng bahay.
May stalker ba ako o si Rhey ang sinusundan niya?