Thirdy Naalimpungatan ang bata ng makarinig siya ng ingay mula sa labas ng silid. Bahagyang nakabukas ang pinto ng kaniyang kwarto at sa recieving area maririnig ang mga pag-uusap. Nakilala niya ang boses ng isa. Si Arch Angelo. "May guest si uncle?'' Sa kalapit na sofa ay naroon ang kaniyang yaya na himbing na natutulog ng kaniyang makita. Pupungas ang batang tumayo upang puntahan ang tiyuhing nasa labas. Parang nagsleep walk ang bata na nakapikit pa ng bahagya ang mga mata patungo sa malaking recieving area kung saan naroon ang naririnig niyang mga boses na nag-uusap. Ayaw niyang idilat ang mga mata dahil sa antok at tanging gabay niya liwanag ng maliit na hallway. Alam niyang di siya pagagalitan ng tiyuhin sa pagbangon dahil ito lang naman ang may kakaibang malasakit sa kaniya b

