Roman Hindi namalayan ni Arch Angelo ang aking paggising. Malalim ang kaniyang tulog kaya madali akong nakabangon sa pagkakahiga. Isinuot ko ang aking panloob. Nagtungo sa banyo at isang bathrobe ang pansamantalang isinuot upang takpan ang aking kahubaran. Matapos magbawas sa banyo ay nagtungo ako sa labas ng silid upang kumuha ng maiinom na tubig. Hindi aakalaing nasa hotel ako dahil parang malaking bahay lang ang loob. May kusina, sala, veranda,entertainment room, at maliit na play room. Hindi na ako magtataka kung may silid din ang tatlong katulong dito. Nakaamoy ako ng nilulutong bacon. Tama ang aking hinala at ang kusinera ay nasa maliit na kusina na nagluluto kasama ang isang yaya ni Thirdy. "Good morning sir, baka gusto nyo na pong kumain." Paanyaya nila sa akin ng makita ako

