Episode 1 (Chapter 1)
_Janssen's Pov_
Hindi ako nakapag tapos ng pag- aaral at hanggang 3rd year college lang ang inabot ko, kaunting tiis nalang sana para maka graduate ako at matapos ko Ang kolehiyo ngunit dahil kapos sa pera nahinto ako sa pag-aaral. Lingid sa kaalaman niyo Wala na akong magulang in short ulilang lubos na ako. Ang mga magulang ko ay nasawi sa sunog kasama ang nag-iisa kong kapatid.
Sa ngayon ay kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang restaurant bilang waitress, dahil narin hindi ako nakatapos ng college kaya mahirap din maghanap ng trabaho.
Minsan pag nag-iisa lang ako palagi kong naaalala ang mga magulang ko at ang kapatid ko, siguro kung hindi sila nasawi sa sunog hindi sana ako mahihirapan ng ganito. Buti nalang may mga kaibigan akong laging nandyan para sa akin at laging dumadamay sa akin kapag may problema ako, Ang swerte ko nga sa kanila kasi start nung nawalan ako ng pamilya sila na yung tumayong pamilya ko.
By the way let me introduce myself to you, I'm Janssen Lopez 21 years old. Maganda, balingkinitan ang katawan, tama lang ang taas at maputi.nga pala gusto ko rin ipakilala sa inyo ang tatlo kong matalik na kaibigan, Tina, Clara and Jasmine.
Habang naglalakad ako pauwi may biglang humablot sa akin at tinakpan ang aking bibig at ilong, nawalan ako Ng malay at pag gising ko ay may hawak na akong kotsilyo at sa tabi ko naman ay ang isang nag aagaw buhay na babae.
"Diyos ko, bakit may hawak akong kotsilyo?" pagtatakang tanong ko sa sarili habang nanginginig ang kamay.
Nilapitan ko ang babae upang tingnan kung may buhay pa ito at hinawakan ang kaniyang pulso, may buhay pa ito ngunit sa subrang takot ko na baka ako ang sisihin sa nangyari imbes na tulungan siya ay nataranta ako at na blanko ang utak. natatakot akong pumunta sa pulis dahil alam kong ako ang lalabas na gumawa ng kriming iyon at dahil narin blanko na ang utak ko at hindi ko na alam ang gagawin umalis nalang ako at pagtalikod ko may biglang nagsalita.
"Tu.. tulungan mo ako". pakiusap niya sa akin habang nahihirapan sa pagsasalita.
Hindi ako lumingon at pagka sabi niya Ng salitang iyon ay tumakbo ako palayo. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa apartment na tinutuluyan ko. Nanginginig ang buong katawan ko, ngayon lang nangyari sa akin Ang ganoong pangyayari sa buong buhay ko.
Tinawagan ko si Tina para humingi ng tulong.
"He...He..Hello". habang nanginginig ang boses ko.
"Oh Jans, bakit napatawag ka ng ganitong oras may problema ba at bakit nanginginig ang boses mo?" tanong ni Tina sa akin na may halong pagtataka.
"T..Ti...Tina". habang umiiyak ako.
"Jans anong nangyari sayo bakit ka umiiyak? may nangyari bang masama sabihin mo?". taranta at alalang tanong ni Tina sa akin.
"Tina tulungan mo ako!" Hagolgol kong sabi sa kaibigan ko.
"Wait! I don't understand you Jans, ano ba kasing nangyari?" tarantang tanong niya.
"Please Tin, help me!" paki-usap ko sa kaniya while I'm crying.
"Pupuntahan kita diyan hintayin mo ako okay.". tugon ni Tina.
Habang hinihintay ko si Tina hindi ko maiwasan ang isipin ang nangyari.
"Hindi ako! Hindi ako!" iyak kong Sabi sa sarili.
Maya-maya pa ay dumating na si Tina.
"Jans! Jans! andito na ako". alalang tawag niya sa akin.
"Tina! Hindi ako! Hi..Hindi ako ang pumatay!" sabi ko sa kaniya habang humahagolgol ako ng iyak.
Niyakap naman ako ni Tina dahil subrang nginig na nginig ang buong katawan ko.
"Anong ibig mong sabihin Jans? anong pinatay?". taka niyang tanong habang yakap ako.
Kumalas ako sa pagkaka yakap niya at ikinuwento ang nangyari, pati rin siya natakot kaya sabi niya mas mabuti nalang daw na hindi ako pumunta sa pulis at pag nagkataon baka ako pa ang sisihin at baka makulong pa ako sabi ni Tina.
Tinawagan ni Tina ang iba naming kaibigan upang ipaalam Ang nangyari at alalang alala sila para sa akin. Sinamahan muna ako ni Tina sa apartment ko hanggang sa kumalma ako at nang kumalma na ako pina uwi ko na siya dahil baka hinahanap na siya sa kanila.
Lumipas ang ilang linggo unti unti ko naring nakakalimutan ang nangyari nang mga gabing iyon. Hanggang sa isang araw habang nasa trabaho ako.
"Janssen pinapatawag ka sa office ni sir" Sabi ng isa kong katrabaho.
"Ah sige, salamat." tugon ko naman sa kaniya at dali dali akong pumunta sa office ng boss ko.
"Sir, pinapatawag niyo raw po ako?" tanong ko sa boss namin.
"Yes, I'm sorry Janssen but you need to stop working here in restaurant." Sabi niya sa akin.
"Po? bakit po sir? may nagawa po ba akong mali o may nalabag po ba akong rules? Pagtataka kong tanong.
"I'm sorry Janssen, Wala akong magagawa yun ang utos ng may ari ng restaurant na ito, Manager lang ako rito at sumusunod lang din ako sa utos ng may ari." tugon niya sa akin.
"Pe..Pero sir". Di na ako naka imik pa nang pumasok ang asawa ng boss ko.
Lumabas na ako ng office at hinanda ang mga gamit ko para sa pag alis ko. Labis akong nagtaka bakit ako tinanggal ng may ari ng restaurant eh hindi naman ata ako kilala nun at kahit isang beses ay hindi ko pa siya nakita pero sabi ng iba kong katrabaho subrang gwapo raw nito at may magandang katawan pero napaka arogante raw nito, suplado at walang paki alam sa mararamdaman ng iba pano ba naman eh anak raw ito ng Bilyonaryo.
Habang naglalakad ako sa kalagitnaan ng kalye ay may biglang humila sa akin at ipinasok ako sa isang itim na sasakyan.
"Sino kayo? anong kailangan niyo sa akin?" Takot kong tanong sabay sigaw.
"Tulong, Tulungan niyo ako!". Sigaw kong ganun.
"Manahimik ka!" Sabi nung isang lalaki na sa itsura palang matatakot kana.
Huminto Ang sasakyan sa isang maganda at malaking bahay, nagpalinga linga ako ng tingin napamangha ako sa ganda at laki ng bahay, may mga katabing bahay rin ito malalaki at magaganda rin at parang nasa isang subdivision ako. Nagtataka parin ako bakit ako nandito at bakit ako dinala ng mga ito rito eh hindi ko naman sila kilala.
Hinila ako ng dalawang lalaki papasok ng pinto.
"Bitawan niyo ako ano ba!" Sigaw ko habang nagpupumilit pumiglas sa dalawang lalaking nakahawak sa akin.
"Boss andito na kami, kasama na namin siya." Sabi nung isang lalaki sa kausap niya sa cellphone.
Dinala nila ako sa isang kwarto, nagpalinga linga na naman ako ng tingin nang masulyapan ko ang isang lalaking naka talikod at naka harap sa bintana na tumitingin sa labas. isinara ng isa sa nakahawak sa akin kanina ang pinto.
"Sino ka at anong kailangan mo sakin?" Galit kong tanong sa naka talikod na lalaki.
humarap siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko. Ang gwapo ng mukha niya at may mapupungay na mata, maganda ang tindig halatang maganda ang katawan nito, matangkad din siya at hindi maitatanggi na mayaman nga ito dahil sa itsura nito.
"Ako? Sino ako?" Tugon niya.
"Ako lang naman ang boyfriend ng babaeng pinatay mo!". Biglang sumeryuso ang tingin niya sakin na para bang galit na galit.
"Anong pinag sasasabi mo? Pinatay? wala akong pinatay!". Sigaw kong ganun.
lumapit siya sakin at ang kaniyang mga mata ay parang lumiliyab sa galit.
"Bakit nakalimutan mo na ba? Ang bilis mo naman atang makalimot? nakakatulog kapa ba hindi kaba inuusig ng konsensya mo sa ginawa mo sa kaniya hah?!" Sigaw niya sa akin na nagtatagisan ang kaniyang mga bagang sa galit.
Bigla kong naalala ang nangyari ilang linggo na ang nakalipas. Biglang nanikip ang dibdib ko dahil bumalik na naman sa akin ang nangyaring iyon.
"Hindi ako ang pumatay sa kaniya! Hindi ako! Iyak kong sabi sa kaniya.
"Hindi ikaw? kung hindi ikaw bakit mo siya pinabayaan? buhay pa Sana siya hanggang ngayon!". Sigaw at galit niyang sabi sakin.
"Kung tinulungan mo Sana siya nung mga oras na iyon nandito pa Sana siya at buhay!". Turan pa niya.
Hindi ako makagalaw, nanginginig ang buong katawan ko sa takot at humahagolgol sa iyak. parang hindi ako makagalaw dahil bumabalik na naman ang troumang dinulot sa akin ng pangyayaring iyon.
"I will make you suffer, buhay ang nawala kaya buhay din ang kapalit!" Galit niyang sabi sakin.
"Hindi ko naman sinasadya eh, nadala lang ako ng takot kaya di ko siya natulungan". Iyak kong sagot sa kaniya sabay tulak sa akin.
Iniwan niya ako sa malaking kwartong iyon, nilock niya ang pinto upang hindi ako makalabas at maka alis sa silid na iyon.
Habang sumisigaw ako Ng. "Palabasin mo ako rito ano ba! buksan mo ang pinto!" di niya ako pinansin, napa upo nalang ako sa gilid ng kama at napahagolgol sa iyak hindi ko namalayan sa kakaiyak ko eh nakatulog na pala ako.
***************
_Ezekiel's Pov_
"Palabasin mo ako rito ano ba! buksan mo ang pinto!". Sigaw niya habang ako ay bumababa sa hagdan.
Buhay pa sana ngayon si Claire kung hindi lang sana siya pinabayaan ng babaeng iyon. Papahirapan ko siya hanggang sa hilingin niya sakin na patayin nalang siya. pagbabayarin ko siya sa ginawa niya.
*The phone is ringing*
"Hello mom". Sagot ko sa kabilang linya.
"How are you honey?". Tanong ni mommy sakin.
"Feeling better mom, lalo na't I found her". Sagot ko kay mommy.
"Anak hindi kapa ba nakaka move on sa nangyari, hindi naman niya kasalanan na nawala si Claire eh, don't blame her honey natakot lang siguro siya kaya di niya natulungan ang girlfriend mo". Sabi sakin ni mommy.
"Mom, either hindi siya ang gumawa nun may kasalanan parin siya. why she even not go to police to report what happen! and why she left Claire in that place even though she knew that Claire is still alive!?". Galit kong sagot Kay mommy.
"Anak ikaw rin lang ang mahihirapan sa ginagawa mong yan kalimutan mo na ang nangyari". Sagot naman ni mommy sakin.
"Bye Mom.". Sabay patay sa phone.
Pinatay ko na kasi ayaw kong makipag talo kay mommy. Actually doon kami naninirahan sa US. ngalang noong nalaman ko ang nangyari kay Claire napilitan akong umuwi dito sa Pilipinas at para rin hanapin ang babaeng naroon nang maganap ang pangyayaring iyon. siya ang sinisisi ko kung bakit namatay ang girlfriend ko either not her at prenup lang sa kaniya iyon ng tunay na may sala she is still wrong, why she left my girlfriend and let her die and why she even not go to police to report what happen that thing makes me angry.
By the way, I'm Ezekiel Weaver 23 years old, anak ng isa sa bilyonaryo dito sa Pilipinas. Nagagawa ko lahat ng gusto at gustuhin ko, kilala rin ang pamilya namin kaya marami rin ang nagpapantasya sakin dahil bukod sa mayaman hindi man sa pagmamayabang eh ako ang tipo ng lalaki na habulin ng mga babae dahil sa gwapo kong mukha, matipuno kong pangangatawan lahat na ata nang magandang katangian ay andito na sakin.
Si Claire ang girlfriend ko, sa dami ng babae siya ang minahal ko. kahit paulit ulit ko siyang niloloko nung nabubuhay pa siya di parin niya ako iniiwan at andyan lagi siya para sakin kahit na nasasaktan ko na siya.babaero man ako pero si Claire lang Ang babaeng gusto kong pakasalan kaya ganun nalang ang galit ko ng malaman ang nangyari sa kaniya.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang babaeng iyon na nakahiga sa kama at tulog. pinagmasdan ko siya ng mabuti at hindi ko maitatanggi sa sarili ko na maganda siya at kahit sino siguro magkakagusto sa kaniya. napaka amo ng mukha niya at napaka inosente, may mapupungay siyang mata, manipis at mapulang labi at matangos na ilong.
Natigilan ako nung bigla siyang nagising sa pagkakatulog.
"Paalisin mo na ako please" . pakiusap niya sa akin.
"Akala mo ba ganun lang kadali yun? wag kang mag alala di naman ako pumapatay ng tao." sabi ko sa kaniya.
"Ano ba ang gusto mo hah?" Tanong niya habang unti unting pumapatak ang mga luha niya sa mga mata.
"Ang gusto ko magdusa ka." direktang sagot ko sa kanya
"Pero hindi naman ako ganun kasama. Simple lng Naman ang gusto ko, ang pagsilbihan mo ako habang buhay" . Sabay ngiting nakakaloko sa kaniya.
"Yun ba ang gusto mo? Sige kung yan lang din ang magpapatahimik sayo". sagot niya sakin.
"Mabuti naman kung ganun. simulan mo na ngayon" . Sabi ko naman sa kaniya.
"Paki labhan ng mga damit ko tambak na kasi labahin ko". utos ko sa kaniya at itinuro ko ang basket na may lamang labahin.
"May bilin kapa ba?". Inis niyang tanong.
"Ah oo nga pala, pagka tapos mong labhan at maisampay yan magluto ka ng pagkain para sa dinner may pupuntahan lang ako" . Tugon ko sa kaniya.
At umalis na ako at iniwan siya, sinimulan ko nang pahirapan siya para sumuko kaagad. siyempre hindi naman literal talaga na torture ang gagawin ko sa kaniya gusto ko lang siya mahirapan bilang ganti hindi naman ako ganun ka violenteng tao para saktan siya physically.
_Janssen's Pov_
Hindi na ako tumanggi pa sa gusto niyang mangyari na pagsilbihan siya ng habang buhay. tsssk kakainis talaga, Wala ba siyang awa at habang buhay talaga. pero kahit magreklamo man ako at lumuhod pa sa harap niya Wala rin akong magagawa dahil kahit ako man ay na gi'guilty rin sa nangyari. hindi ko man lang siya natulungan, may point rin naman kasi siya na pwede naman ako pumunta sa pulis para mag sumbong at e'report ang nangyari pero di ko ginawa. pero nadala lang din naman ako ng takot ko kaya di ako nakapag sumbong, masisisi niya ba ako kung sa ganung sitwasyon ay hindi ako mataranta at matakot.
So ayon na nga sinimulan ko nang maglaba para Wala na akong marinig na paninisi, medyo nakaka takot rin kasi siyang magalit parang kakainin ka sa masasakit niyang tingin. gwapo nga kaso nga lang masama ugali. Nang matapos ako sa paglalaba isinampay ko na iyon at bumalik sa kwarto kung saan ako matutupog.
"Haaay, sa wakas makakapag pahinga narin ako". Bulong ko sa sarili.
Nang nakahiga na ako sa kama ay saka naman kumulo ang tiyan ko dahil di pa ako naka kain kaninang tanghali dahil nga sa nangyari. bigla ko naman naalala ang bilin ng amo ko na magluto para sa dinner
"Tsssk. kainis talaga! ngayon may amo kana Janssen at subrang malas mo naman at napaka suplado." Sabi ko sa sarili.
"Makapag luto na nga baka masirmunan pa ako nun!". Sabi ko na naman sa aking sarili.
Para na akong baliw kaka salita mag-isa. Pumunta ako sa kusina upang tingnan Kung ano ang pwedeng lutuin, binuksan ko ang refrigerator at may nakita akong Karne ng baboy roon kinuha ko ito at niloto ko. habang niluluto ang karne ay nag saing narin ako ng kanin. Nang luto na ang kanin at Karne pumunta muna ako sa labas upang magpa hangin, nilibot ko ng tingin ang paligid napaka gandang pagmasdan ng labas lalo na't may mga halamang bulaklak na naka tanim sa labas napa ngiti nalang ako bigla dahil ang sarap pagmasdan ng mga bulaklak. Napatingin naman ako sa gate ng bahay at nakita ang isang lalaki sya yung kaninang humahawak sakin pinababantayan siguro ako baka akala niya ay tatakas ako. nag didilim na ang palibot ngunit wala parin ang lalaking iyon. papasok na sana ako sa loob nang marinig kong binati ng lalaking nasa gate ang isang lalaking dumating.
"Pwede ka nang umalis ako na ang bahala rito". Sabi nung lalaking kakarating lang.
"Tsssk. Jans andyan na ang amo mo hayyst". Inis kong bulong sa sarili.
"Anong niluto mong ulam?". tanong niya sakin.
"Adobong baboy, yan lang din kasi ang nakita ko sa refrigerator na pwedeng lutoin eh". sagot ko sa kaniya.
"Baka may lason to ah?". pang uuyam niyang tanong.
"Anong akala mo sakin mamamatay tao?!". galit kong sagot.
"Bakit di nga ba?" agad niyang tugon.
Di na ako umimik pa baka kung saan na naman mapunta ang usapan at baka tuluyan na akong burahin nito sa mundo.
"Kumain kana rin baka sabihin mo ginugutom Kita". Sabi niya sakin.
"At pagkatapos mong kumain ligpitin mo ito at hugasan mo ang mga pinagkainan dahil ayaw ko nang makalat". Bilin niya sakin.
Aba, anong akala nito sakin burarang babae. marunong ako kahit di niya ako pagsabihan. kakahiya naman sa kaniya Kung siya paghuhugasin ko eh ako Yung pinapahirapan niya eh.
"By the way, anong pangalan mo para naman may maitawag akong matino Sayo". pang uuyam niyang tanong.
"Janssen, Janssen Lopez". sagot ko sa kaniya.
"I'm Ezekiel, Ezekiel Weaver". pakilala niya sakin.
Isa pala siyang Weaver, kilala ang pamilyang Weaver dito sa Pilipinas dahil Isa ito sa pinaka mayamang pamilya sa Pilipinas. Di ko alam na ang taong gustong pahirapan ako ay Isa palang Weaver. bigla ko namang naalala ang pagkaka tanggal ko sa trabaho, Weaver ang may ari ng restaurant na iyon kaya pala tinanggal ako ng may ari ng restaurant nayon dahil siya pala talaga ang may ari. pero wala narin akong magagawa nandito na to eh.
"Hoyyy! nakikinig kaba!". sigaw niyang sabi.
"Ha...hah? ah wala may naalala lang ako". sagot ko dahil di ako makapaniwalang isa siyang Weaver.
Umakyat na siya sa taas at ako naman ay naghugas narin ng pinagkainan. pagkatapos kong ligpitin at maghugas pumunta na ako sa kwarto kung saan ako matutulog, pagbukas ko ng pinto bumungad sakin si Ezekiel na nakahiga sa kama.
"Ti..Tika bakit nandito ka?". Takang tanong ko.
"Dito ako matutulog baka kasi takasan mo ako". sagot niya sakin.
"At saan naman ako matutulog?". inis kong tanong.
"Sa sahig, oh ito!". sabay hagis sakin ng isang makapal na comforter, unan at kumot.
Inirapan ko nalang siya at nilatag ang sapin sa sahig upang makatulog narin ako at makapag pahinga dahil subrang pagod na pagod ako at nananakit ang katawan ko dahil sa paglalaba ng mga damit ni Ezekiel kanina, pano ba naman kasi ang dami niyang pinalabhan sakin nagkanda sugat sugat pa mga kamay ko kaka kuskos sa mga damit niya. Ang yaman yaman pero ayaw magpa laundry.