CHAPTER 30

1300 Words

NAGKATINGINAN LANG ang lola at tita ni Bea nang sabihin iyon ni Basty. Samantalang siya ay halos lumabas ang puso niya sa sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Tila lalabas iyon at sasabog. Nahugot ni Bea ang hininga nang tingnan siya ng mga ito. Tumikhim siya. "L-lola, tita... Huwag sana kayo magalit. Mabait naman po si Basty." Lumingon siya sa kasintahan. "Makakasiguro po kayong hindi ko po sasaktan si Bea. Pangako po iyan." Ngumiti si Basty. Bahagya nitong sinalat ang dibdib kaya naman kumunot ang noo niya. "Ayos ka lang?" tanong niya gamit ang mahinang tinig. Tumango naman ito. Kinuha ni Bea ang isang baso ng tubig at inabot dito. "Inumin mo muna ito." Ganoon nga ang ginawa ni Basty. Uminom ito nang kaunti at nang matapos ay ngumiti nang bahagya sa kaniya. Ganoon din ang gina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD