MABILIS NA dumaan ang mga araw, sumapit ang Linggo. Maaga pa lang ay abala na ang Mama ni Basty sa pagprepara ng mga ihahanda sa tanghalian dahil pupunta ang pamilya ni Bea. "Tita, kailangan po ba ninyo ng tulong ko?" tanong niya nang pumunta siya sa kusina. Kasunod niya si Basty na panay ang buntot sa kaniya. Hindi naman siya naiinis sa sobrang pagiging clingy nito. Ang cute nga nito tingnan at natutuwa siya dahil doon. "Naku, wala kang dapat na gawin dito. Kaya na namin ito. Ang gawin mo na lang ay tutukan iyang boyfriend mo dahil panay ang dikit sa iyo." Nginuso pa nito ang anak. Si Basty ay umupo sa silyang pinakamalapit kung saan siya nakatayo. Natawa siya nang ngumiti sa kaniya ito. Napailing na lang siya. "Okay lang naman po si Basty. Okay lang din naman po kung tutulong ako

