Chapter 2

1785 Words
Nang makapasok ng restaurant ang dalawa, lahat ng mga kasamahan ni Kate ay nakatingin sa kanila. Nahihiyang kinuha niya ang mga braso ni Jerviz na nakayakap pa rin sa kanya. Nang mapansin ni Jerviz na pinagtitinginan na pala sila, hindi na ito kumontra pa sa pagtanggal ni Kate ng mga braso niya. Agad na dumeretso si Kate papunta sa mesa ni ma'am Jessica sa kanang bahagi ng restaurant. Agad naman siyang sinalubong nito saka inalalayang umupo sa katabing upuan. At nang makaupo, agad na siyang inusina ni Jessica. "Kate? Ok ka lang ba? Muntikan na iyon kanina ah. Ano bang nangyari sa’yo? Hindi ka naman ganyan ah? Hindi mo ba nakita na umaandar na ang mga sasakyan? E, kung na bundol ka nga ng motor na ‘yon at may nangyari sayo, paano na ang kapatid mo ha?" Nag-aalala na tanong ng babae sa kanya. Nag silbi na niya itong nanay kaya alam ni Kate na nag-aalala lang ito sa kanya. "Ok lang po ako ma'am. Pasensya na po at pinag-alala ko pa kayo.” “Kailangan mong magpaliwanang sa akin kung ano ba talaga ang nangyari sayo kanina pagkatpaos nating kumain, okay?” She nuded para hindi na humaba pa ang usapan. Kahit naman kasi sabihing mahina lang ang boses ni Jessica, rinig pa rin ng ibang mga kasamahan nila ang pag-uusap nila. Kahit nga si Jerviz na ilang hakbang pa ang layo sa kanila, nakita pa niya itong sumulyap sa gawi nila. Everyone started ordering their food. Um-order rin si Kate ng isang quarter roast chicken at isang vegetables salad. Um-order din siya ng soft drink. Bihira lang siyang uminom ng softdrink dahil hindi siya nakakatulog sa gabi at isa sa mga bibihirang araw ang araw na iyon. Nang dumating na ang kanilang mga in-order, nag cheers muna ang lahat na pinangunahan ng kanilang boss. Nagpasalamat si Jerviz dahil sa loob ng mahabang panahon hindi nila iniwan ang kompanya kahit muntikan na itong nalugi noon kung saan ang kanyang ina pa ang namamalakad dito. Mas naging marami pa nga ang mga tauhan niya ngayon dahil lumaki na rin ang kompanya. Mabait si Jerviz bilang isang boss. Nagmana ito sa ugali ng kanyang yumaong ama. Marunong itong umintindi sa mga pangagailangan ng kanyang mga nasasakupan. Kaya lang, hindi ito marunong makihalubilo sa kanila. Palaging nagmamadali sa pag uwi. Hindi rin siya pala ngiti sa tuwing babatiin ng mga empleyado niya. Tamang tango at kaway lamang ang response niya sa mga ito. Gayon paman, nagpapasalamat pa rin ang mga empleyado ni Jerviz sa kanya. Dahil sa lalaki, hindi nawalan ng trabaho ang mga taong umaasa lang sa kompanya nila simula nang maipatayo iyon ng kanyang ama. Pagkatapos kumain, kanya-kanya na ring balik sa trabaho ang mga ito. Unang tumayo ang supervisor nila habang si Kate naman ay nagpatuloy sa pagkain at pag inom sa natitirang soft drink sa baso. Hindi na niya ininda ang mangyayari sa kanya mamayang gabi. Pwede naman siyang matulog sa susunod na araw dahil rest day naman niya. Hindi rin niya napansin na nakalapit na pala sa kanila si Jerviz hagang sa magsalita ito mula sa likuran niya. "Jessica, will you excuse Miss Santiago today? I think she needs a rest,” "Yes sir. Sa tingin ko nga rin kailangan niyang magpahinga,” sabay tingin kay Kate na noo’y nakatingin na rin sa kanya. Tumango lang siya sa dalaga tanda na kailangan nitong umuwi at magpahinga dahil alam niyang magpoprotesta ito at mangungulit pa na magtrabaho. Alam ni Jessica ang ugali ni Kate. Hindi ito papayag na hindi pumasok lalo pa’t wala namang masamang nangyari. "Mauna kana at ako na ang bahala sa kanya, Jessica." Pag di-dismiss nito sa supervisor. Tumalima naman si Jessica. "Pahinga ka Kate, don't worry ako na ang bahala sa mga gagawin mo." Sabay ngiti nito bago tuluyang magpaalam. Naiwan sa restaurant sina Jerviz at Kate. Nang mawala si Jessica at iba pa nilang kasamahan saka lamang umupo si Jerviz sa harapan niya. "Miss Santiago, ihahatid na kita sa inyo. Huwag ka na munang pumasok ngayon." "Hindi mo naman kailangang gawin pa ito sir.  Kaya ko naman po ang sarili ko." anito saka tuluyang inubos ang laman ng baso. Hindi pinansin ni Jerviz ang naiirita niyang boses. Determinado talaga ito sa panunuyo sa kanya. "Tapos ka na? Ihahatid na kita," kita ang dalawang dimples nito sa magkabilang pisngi. "Huwag na po sir. Salamat na lang sa early off ko ngayon. May dadaanan pa po ako maaabala ko lang kayo." Akmang tatayo siya nang hinawakan ni Jerviz ang mga kamay niya. "Saan ka pa ba pupunta? At pwede ba? Tigilan mo na ang kaka po mo sa akin? Tayong dalawa na lang ang nandito. And besides were in the same age. Ihahatid na kita." anito sa malambing na boses. Hindi napigilan ni Kate na kumunot ang noo habang titig na titig sa maamong mukha ni Jerviz. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagkainteres ang lalaki sa kanya gayong may fiance na nga ito na ‘di naman hamak na mas maganda sa kanya. Magkapareho pa ang estado nila sa buhay. Ano kaya ang binabalak ng lalaking ‘to? "Dadalawin ko po ang kapatid ko sir magiging masaya 'yon kapag nakita niya ako nang mas maaga, kaya salamat po sa early off ko today.” Binitawan ni Jerviz ang paghawak sa kamay ni Kate at dinukot ang iPhone 10 sa bulsa nito. Mayamaya pa, may kausap na ito sa kabilang linya. Pagkatapos niyang makipag-usap ibinalik na nito sa bulsa ang cellphone. "Tayo na?" yaya nito kay Kate. "Sigurado po kayo sir? Ok lang po talaga ako. Mag ta-taxi na lang ako papunta ng ospital. Huwag na po kayong mag-abala pa.” "Bakit ka pa gagastos ng pan taxi mo? Anong silbi ng sasakyan ko kung hindi ko man lang maihatid ang girlfriend ko para bisitahin ang kapatid niya?" Nakangiting anito. "Sir, huwag naman po kayong ganyan. Ayaw ko po ng magulong buhay. Kontento na po ako sa kinikita ko ngayon para sa amin ng kapatid ko. Ayaw ko po ng gulo.” Sabay tayo ni Kate at humakabang na ito palabas. Sumunod naman si Jerviz. Sa 'di kalayuan may naka paradang black Audi. Nilapitan niya iyon at may bumabang lalaki sa driver side nito. May inabot ito sa kanya at sa tingin ni Kate susi iyon ng sasakyan. Pumasok ito sa loob ng sasakyan at maymaya pa ay nasa harapan na ito ni Kate. Hindi na ito lumabas para buksan ang pintuan dahil malapit ng magpalit ng kulay ang traffic lights. Mula sa loob ng kotse binuksan ni Jerviz ang pintuan sa passenger side. Walang nagawa si Kate kundi ang pumasok. Nang makapasok, si Jerviz pa mismo ang nagkabit ng seatbelt sa kanya. Napa singhap siya nang masagi ng braso ni Jerviz ang malulusog niyang mga dibdib. "Sorry”. Sambit nito. Hindi na umimik pa si Kate nang tiningnan niya ito ngunit umiwas ng tingin ang lalaki sa kanya. Nagtataka naman si Kate dahil parang nanginginig ito habang ikinakabit ang seatbelt niya kanina kaya siya nito na sagi. Pinaandar na ni Jerviz ang kotse saka sinimulang tahakin ang daan patungong ospital. Hindi na kinailangang sabihin pa ni Kate sa kanyang boss kung saang ospital dahil sa ospital mismo na pagmamay-ari ng pamilya ni Jerviz naka confined ang kapatid niya. Nabasag ang katahimikan sa loob ng kotse nang mag ring ang cellphone ni Kate habang nasa daan sila. Agad niya itong kinuha. Lumakas lalo ang kabog ng dibdib niya nang makitang ospital ang naka-register na caller sa screen ng kanyang cellphone. "He...hello?" nuutal niyang sagot. "Hello, Miss Santiago, sa St. Luke po ito," "Yes ma'am, ako nga po may nangyari po ba sa kapatid ko?" "Miss Santiago, pwede ka bang pumunta ngayon dito? Sana po makapunta kayo agad." Kinabahan na si Kate. Alam niyang may hindi magandang nangyari sa kapatid. Hindi naman kasi tumatawag ang ospital sa kanya lalo na kung hindi naman ito gano’n ka importante. "Ok ma'am, papunta na po ako. On the way na po ako ngayon. Thank you sa pagtawag sa akin agad ma'am." At nag paalam na si Kate sa kausap. Hindi na napigilan ni Kate na tumulo ang mga luha. Pinunasan niya ang mga mata  gamit ang mga kamay ngunit hindi ito sapat. Parang ulan na walang tigil sa pag patak ang mga luha niya. Walang imik at nakamasid lang si Jerviz sa kanya. Inabutan siya nito ng panyo. Kinuha iyon ni Kate saka pinunasan ang mga luha na wala pa ring tigil sa pagtulo. Naging tahimik na ang buong byahe nila hanggang makarating sila ng ospital. Pagdating ng ospital, mabilis ang mga kilos ni Kate. Nag pasalamat siya kay Jerviz na hindi na hinintay na makasagot pa ito. Dali-dali na siyang umalis at tinungo ang kinaruruonan ng kapatid. Pagdating niya ng general ward nakita ni Kate ang mga mga doctor na nag aasikaso sa kapatid kaya agad itong lumapit sa kanila. "Excuse me po. Ako po ang kapatid ng pasyente. Kamusta na po siya?" Tumingin ang lahat sa kanya bago nag salita ang isang doctor na pamilyar na kay Kate. Ito ang doktor na tumitingin talaga sa kapatid niya simula noong nakaraang buwan dahil namatay na ang totoong may hawak talaga sa kaso ng kanyang kapatid. "Miss Santiago, dederetsohin na kita. Medyo bumaba kasi ang hemoglobin ng kapatid mo kanina. Bumababa talaga ang hemoglobin ng mga pasyenteng may ganitong karamdaman ngunit mas bumaba pa kanina kaya nalagay sa alanganin ang buhay niya. Pero fighter po ang kapatid ninyo at stable na siya ngayon. Malapit na ring maubos itong dugo na isinalin namin sa kanya." Mahabang paliwanag ng doctor. Walang pumasok sa utak ni Kate ni isa sa mga sinabi ng mga doktor. Isa lang ang tumatak sa kanyang isipan, ang salitang "Stable na siya ngayon." Nilapitan ni Kate ang tulog na si Danica. Wala itong malay habang nakahiga. Hinaplos ni Kate ang tumutubo pa lang nitong mga buhok gawa ng chemotherapy. "Danica, nandito na si ate....Huwag mong iwan si ate ha, okay? Lalaban tayo. Kaya natin 'to." Hindi napigilan ni Kate na tumulo na naman ang mga luha. Mahal na mahal niya ang kapatid. Ito lang ang nagbibigay lakas sa kanya sa araw-araw. Wala siyang ibang hinihiling kundi ang tuluyan nang gumaling ang kapatid niya. Napalingon si Kate sa kanyang likuran nang marinig na tinawag ng isang doctor ang pangalan ni Jerviz. Hindi niya napansin na sumunod pala ito sa kanya. "Jerviz! Napadaan ka yata, may dinalaw ka ba rito?" Tumayo si Kate sa pagkakaluhod niya sa tabi ng kapatid nang makitang papalapit ito sa kinaroroonan nila. "Oo, Greg. Sinamahan ko lang ang girlfriend kong dalawin ang kapatid niya." To be continue _________ iamdreamer28
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD