Unedited Alas-otso na ng gabi ng makalabas ako sa Funeral Parlor na pinagdalhan kay Lolita. Masakit man para sa akin dahil nawalan na naman ako ng taong tunay kong nirerespeto at itinuring ko narin na para kong tunay na Ina. Si Lolita ay matalik na kaibigan ni Jessica. Bata pa lang ako nakita ko na kung gaano kalapit ang dalawa sa isa't-isa. Sila narin ang naging sumbungan ko sa tuwing may hindi kami pagkakaunawaan ni Mommy. Isa sa mga ilaw ng Lantice Publishing Company si Lolita kasama niya si Jessica noon. Naglaho ang kumpanya ng Ama ko noon dahil sa kapabayaan ni Mommy. Wala na itong ginawa kundi ang magsugal sa Macau kasama ng mga kaibigan niya. Hindi nagtagal bumagsak na ng tuluyan ang kumpanyang pinaghirapan ni Daddy na maitayo. Kaya naman ipinangako ko sa sarili na magtatayo

