Nang makalipas ang halos dalawang linggong hindi paguusap ay mas naramdamn ni Theo ang sakit na maaaring naramdaman ni VI nung nalaman niya ang tungkol sa kanila ni Raine.
“Bro ang daming gagawin this week. Gusto mo ba mag sleep over sa condo ko para sabay sabay nating matapos lahat.” suhestiyon ni Shawn sa kanilang magkakaibigan.
“Pass ako diyan, gustuhin ko man sumama hindi din ako makakapagpaalam sa trabaho ko. Sayang din kasi yung kikitain ko sa pag papartime tutor.” ika ni Khiel sa kanila.
“Kayo? G ba kayo?” tanong muli nito kaso umiling naman si Titus saka sinabing. “May lakad ako mamaya at saka tutulungan ko din si Vi sa pag proofread ng research paper niya.”
“Ano ba yan, wala bang may gustong pumunta sa condo ko. May free food naman, may higaan, may wifi at higit sa lahat makikita nyo pa ang gwapong katulad ko.” Proud na sabi niya na ikinailing nilang lahat.
“G ako basta libre mo pagkain ko.” Sagot ni Lance
“Aysus kung G ka edi G na din si Theo. Pwede na tayong maging triplets, laging magkakasama through thick and thins” pabibong sagot muli niya na ikinanunot ng nuo ni Theo.
Nang tumunog muli ang campus bell ay nagsibalikan na sila sa kani kanilang upuan upang makapag handa na sa kanilang klase. Nagpatuloy lang klase nila na ang ilan ay nakatulog na, nagsusulat, nagkukunwaring nakikinig at siya nakatingin lang sa cellphone niya ng biglang lumabas na notification galing sa i********:.
[VICTORIA KATE added a new story]
Dahil sa nabasang notif ay agad siyang nagpaalam na lalabas muna para mag cr, pero ang totoo gusto niyang makita ang bagong post na ig story ni Vi. Nagmadali na siyang naglakad papunta sa pinakamalapit na CR at nang makarating ay pumasok agad siya sa isang cubicle at inilabas ang cellphone na nasa bulsa saka binuksan ang ig story ni Vi.
Nakita niyang may 3 story siyang pinost ang isa ay ang binabasa niyang libro saka may caption “libro ka lang, hindi ako magpapatinag sa’yo”. Sa sumunod ay may nakalagay na calculator saka nakalagay “repost this lucky calculator to past the exam” at ang panghuli ay selfie niya, na naka pink hoodie at saka may caption “pagod pero di susuko”. Agad naman siyang nag comment sa last ig story nito ng [“Kakayanin, tiwala lang”]. At laking gulat na lang niya ng nagreply ito ng [“Ty po”].
Nang mabasa niya ito ay agad niyang ibinalik ang cellphone sa bulsa saka lumabas ng cubicle at nagmamadaling bumalik ng classroom dahil baka hinahanap na siya ng prof nila.
Pagpasok niya sa classroom ay wala pa din nagbago, maliban sa natutulog na si Shawn at si Lance naman ay parang mahuhulog na sa upuan dahil sa sobrang antok. Kaya naman bago pa mahulog ang kaibigan sa upuan ay tinapik niya ang balikat nito saka bumalik at umupo sa kanyang upuan.
Kung kanina ay nakatingin siya sa kawalan ngayon ay nakangiti na siya dahil sa wakas any pinansin na din siya ni Vi, kahit na message lang iyon ay masaya pa din siya.
“Ok, class maaga ko kayong i-didismiss dahil may meeting ako kasama ng ibang teachers. Siguraduhin niyo lang na may gagawin kayong productive para hindi kaya mag cram sa ibang requirements ninyo” pagpaalam ng kanilang prof saka lumabas ng classroom.
Nagsilabasan na ang iba sa kanila at si Shawn naman ay naiwang nakatulog pa din sa kanyang arm chair kaya tinapik tapik niya ang balikat nitopara gisingin at sabihing maaga silang na-dismiss at pwede na nilang gawin ang mga ibang requirements nila.
“Oh s**t, ngayon pala ‘yon” ika ni Khiel na ikinagulat nila dahil tuloy tuloy itong napamura.
“May problema ba Khiel?” tanong niya sa kaibigan.
“Hindi ko pa kasi tapos yung ilang reports ko tas naalala ko ngayon din yung quiz ni Vi sa Calculus at magpapaturo sana siya. Kaso hindi ako pwede.” sabi ni Khiel na mukhang hindi alam kung ano ang gagawin.
“Wala naman akong gagawin, pwede kong turuan si Vi. Kung ayos lang” boluntaryo niyang suhestiyon sa kaibigan.
“Talaga?Ok lang sa’yo? Wala ka bang ibang gagawin?” sunod-sunod na tanong ni Khiel upang masigurong hindi napipilitan ang kaibigan.
“Oo naman, at saka mag gro-group study naman kami nila Lance at Shawn mamaya kaya ayos lang” sagot niya dito saka nginitian ng bahagya.
“Sige, sige kung ganon magkita na lang kayo sa M.A.B. Library madali lang naman yung calculus para sa’yo kaya hindi ko na sasabihin pang good luck pero pakisabi kay Vi, sorry at babawi ako sa susunod.”
“Duly noted, gawin mo na yung reports mo dahil sigurado akong hindi mo magagawa yan mamaya dahil sa part-time job mo” sagot niya sa kaibigan saka nagpaalam na mauuna dahil maglalakad pa siya papunta sa M.A.B. building.
*** ***
Nagulat si Vi ng bigla na lang nag reply sa ig story niya si Theo. Kahit hindi man niya aminin sa sarili ay alam niyang kinikilig ito at kung may taong nakakita sa kanya ngayon ay makikita nito ang kanyang namumulang mga pisngi.
“Anong meron at parang pangiti ngiti ka diyan Vi” tanong ni Sam sa kanya na ikinagulat nya ng bahagya.
“Huh, eh wala lang. Ang sweet kasi may nag message sa ig story ko na [“Kakayanin,tiwala lang].” ika niya saka hindi mapigilan ang mas ngumiti pa.
“Sweet na ‘yon?” tanong naman ni Sky sa kanya na ikinabagsak ng mga ngiti niya.
“Mababaw lang ang kaligayahan ko eh. Kaya para sa akin sweet ‘yon” sagot niya sa kaibigan saka itinuon ang atensyon sa harap, dahil dumating na ang kanilang prof.
“Uy, Vi. Aral tayo ng lunch para sa quiz mamaya G ka?” pabulong na tanong sa kanya ni Maky para hindi mapansin ng kanilang prof
“Hindi ako pwede, may usapan kami ni Kuya Khiel, pasensya na.” balik na sagot nito sa kaibigan na ngayon ay bumubulong sa iba pa nilang kaibigan.
Alam kasi niyang mas matutulungan siya ni Kuya Khiel kaysa sa mga kaibigan niya dahil alam niyang magkwekwentuhan lang sila at baka hindi pa makapagfocus sa pagrereview para sa kanilang quiz. Kaya naman ng matapos ang kanilang pang umagang klase ay agad siyang tumakbo papunta sa library para sana maunahan si Kuya Khiel kaso laking gulat na lang niya ng makita si Theo sa loob at walang ibang kasama. Aalis sana siya upang maiwasan ito kaso huli na ang lahat dahil nakita siya nito saka hinabol.
“Vi! Sandali lang! Hintayin mo ako!” narinig niyang sigaw nito habang naglalakad nang mabilis upang maiwasan sana siya, kaso nahablot nito ang palapulsuhan niya.
“Uy, Kuya Theo, andito ka pala? Hindi kita napansin may kailangan ka?” pagsisinungaling sana niya kaso hindi iyon umubra.
“Come on Vi. Ilang linggo mo na akong iniiwasan at saka huwag kang magsinungaling, alam kong nakita mo ako kanina sa loob ng library” sagot niy na may matalim at mapanuring tingin.
“Huh, eh may nakalimutan kasi ako sa room kaya ako lumabas ng library” pagsisinungaling muli niya kaso tinaasan lang siya ng kilay ni Theo at sinabing “Ano naman ang nakalimutan mo?”
“Yung water jug ko, naiwan ko sa calssro--” hindi pa niya nagawang matuloy ang iba pang sasabihin ng kinuha ni Theo ang water jug na hawak niya sa isang kamay.
“Ilan bang water jug ang meron ka huh?” tanong muli ni Theo kaso hindi niya na ito pa sinagot dahil baka mas magalit lang siya.
“Ano bang kailangan mo huh?” lakas loob na tanong niya.
“Wala si Khiel ngayon kaya ako muna ang magtuturo sa’yo. Kasi masisiguro kong walang silbi ang pagrerepost ng lucky calculator kung hindi ka din naman mag-aaral.” sabi niya saka tuluyan na siyang hinila papasok ng library at sapilitang pianupo sa isang lamesa na kanyang pinaglagyan ng mga gamit niya.
Hindi makapaniwala si Vi na si Theo mismo ang nagtuturo sa kanya para sa calculus quiz nila. At higit sa lahat hindi niya maiwasang mapatingin sa hikaw nito na kumikinang. Hindi niya mapigilang titigan ito kaya naman laking gulat niya ng sinabi ni Theo na i-solve niya ang isang practice exercise na nasa handout niya.
“Huh?, ano?” nauutal pa niyang tanong dahil uhaw na uhaw pa din siya sa pagtitig kay Theo.
“Sabi ko i-solve mo, gawin mo lang kung hanggang saan ang alam mo. Tapos tutulungan kita kung sakaling mahirapan ka pa” sagot niya saka pumilas ngisnag papel mula sa notebook niya at ibinigay sa kanya.
Habang sinosolve ni Vi ang practice exercise ay hindi na niya nakita pa ang mapa tindig balahibong tinggin ni Theo sa kanya. Alam ni Theo na masasaktan lang niya si Vi kung hindi pa siya nakakamove on kay Raine. Pero alam din niyang naging isang mahalagang tao na din ito sa kanya.
“Tama ba yung pagka solve ko?” kapagkuwan ay tanong ni Vi sa kanya na agad din naman niyang tinignan kung tama nga ang pagka-solve niya.
“Yes! Tama naman. Aralin na lang natin yung ibang concepts then irereview ulit kita after 10 mins para lang masigurong gets mo lahat.” Sagot niya saka hinayaan si Vi na basahin ang handout, at siya naman ay kinuha ang ipad sa bag saka nagbasa ng ibang readings.
Habang pareho silang nagbabasa ay bigla na lang may maliwanag na flash na tumama sa kanilang mga mata at nakitang kinukuhanan na pala sila ng picture ni Shawn.
“Hmph, kung hindi pa namin nalaman kay Khiel na andito ko sa M.A.B ay hindi ka namin mahahanap” sabi ni Shawn saka kumuha ng isang upuan upang maki-upo sa lamesa nila.
“Urong ka Shawn, share tayo sa upuan’ ika naman ni Lance na kasama din pala nito.
“Vi, share tayo ng upuan. Payat ka naman eh” ika naman ni Titus habang nagcecellphone.
“Anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Vi sa 3 bagong dating.
“Kumain kasi kami sa Sat cafe kaso wala naman doon yung taong gusto naming makita” sagot ng kapatid niya na nakikipag siksikan sa upuan niya.
“Oo nga Vi, asan ba yung mga kaibigan mo. Bakit hindi namin sila makita?” tanong ni Lance sa kanya na kinakantot ng noo niya.
“Anong kailangan niyo sa mga kaibigan ko?” pabalik na tanong niya dito at napansing nagulat ito sa biglaang pagtatanong.
“Ready ka na ba? 10 minutes na i-rereview na kita” pagpuputol ni Theo sa iba pa niyang gustong itanong kay Lance.
“Yessir, ready na ready na ako!” masayang sagot niya saka siya tinanong ni Theo ng kung ano ano hanggang sa nagpaalam na din sila dahil mahaba haba pa daw ang lakaran mula sa M.A.B at lib arts.
“Goodluck Vi!” masayang sabi nila Shawn, Lance at Titus bago naunang naglakad palabas ng library.
“Kaya mo yan, irerepost ko ang lucky calculator mo kaya dapat pumasa ka” pabirong sabi ni Theo saka siya sinabayang lumabas ng library.
Nang makalabas ay sinabi nitong “Alam kong nasaktan ka sa nalaman mo kay Shawn but please don’t avoid me, because not seeing you once in a while is like living hell on earth. Alam ko wala ako sa posisyong magdemand sa’yo pero at least don’t avoid me because right now I’m trying my very best to move on” ika ni Theo saka siya niyakap at nagpaalam.
Sa sinabi ni Theo ay mas lalo lang siyang naguguluhan, pero isa lang ang masisiguro niya. At yun ay ang masasaktan ang puso niya kung sakaling susugal siya at aasang maibabalik ni Theo ang nararamdaman niya para rito.
Nang hindi na niya matanaw ang likod ni Theo ay naglakad na din siya pabalik ng kanyang classroom upang maghanda para sa kanilang quiz.
SEE YOU ON NEXT CHAPTER:)))
! PLEASE CONTINUE SUPPORTING !
- CiTrineLily -