CHAPTER 15

1501 Words
Makalipas ang ilang linggo ay nagkita muli sila Vi at Theo sa sat cafe, pero hindi na gaya ng dati, dahil kung noon ay magkahiwalay sila ng lamesang inuupuan, ngayon ay magkatabi na sila sa iisang lamesa kasama si Hail,Shawn at Lance. “Nasaan ang iba niyong kaibigan bakit dalawa lang kayo dito?” tanong agad ni Lance ng mapansing si Vi at Hail lang ang nasa lamesa. Si Hail naman ang sumagot sa tanong nito saka sinabing “Nasa library sila nag-aaral kunno” “Ah so kayo lang ni Ms. Coffee ang hindi nag-aaral. Sana all smart.” pabirong sagot ni Shawn. “Di mo sure” sagot naman ni Vi saka bumaling kay Theo na naghihighlight nanaman sa dala dalang libro. “What?” tumigil ito sa ginagawa saka siya tinignan. “Wala lang, masyado ka kasing seryoso eh. Anong ganap?” pabalik na tanong niya kay Theo. “Nothing, may debate lang kami sa wednesday--- Gusto mo bang manood?” ika ni Theo saka sumimsim sa buko juice na binili niya kanina. “Kung manonood ba ako ililibre mo ako.” masiglang sabi ni Vi saka kumagat sa biniling pizza. “Depends. If mananalo kami edi ililibre kita. Pero if natalo kami ako ang ililibre mo.” sagot niya na agad na kinakunot ng noo ng kausap. “Lugi ata ako diyan ma’am sir” sagot niya saka nagpatuloy sa pagkain ng pizza na binili. “Huwag kang mag-alala Vi, hindi lang si Theo ang ililibre mo. Pati kami din ililibre mo. Magka-group kami eh” pabibo ding sagot ni Shawn kaya mas sumama ang mukha ni Vi. “Aba aba sobrang kapal naman ata ng mukha ninyo mga ma’am sir.” sagot ni Vi saka inirapan ang mga kasama. “Aysus, the thicker the better” sagot muli ni Shawn saka nagpatuloy sa pagkain ng biniling soy chicken. “Btw, Vi. Alam mo ba kung nasaan si Kyra? Ilang araw ko na kasi siyang hindi nakikita eh?” tanong ni Shawn sa kanya sa seryosong boses. “Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba lagi kayong magkasama tuwing uwian?” sagot naman nito saka nagpatuloy lang sa pagkain. “Hindi na kasi kami nag-uusap simula noong nakaraang linggo.” sagot naman ni Shawn kapagkuwan ay nabaling ang tingin sa kaibigan ni Vi. “Bakit? Tapos na ba ang pag experience mo sa kaibigan namin ha?!” mataray at diretsong tanong ni Hail kay Shawn. “Oooopsss someone’s burninggg” mas lalo pang aasar ni Lance kay Shawn. “Hindi naman sa ganun, gusto ko lang malaman kung kamusta na ba siya.” pagdedepensa nya sa sarili. “Ok sabi mo eh” maikling sagot ni Hail saka uminom ng tubig sa dalang water jug. Habang patuloy sa pagkain ay nagkwekwentuhan din silang magkakaibigan kaya naman ganun na lang ang lungkot ni VI ng magpaalam sila Shawn, Lance at Theo na babalik na daw sa libarts building. “Huwag mong kalimutan ang libre namin sa wednesday ahh” pabirong sabi ni Shawn saka naglakad papalayo. At saka siya kinawayan lamang ni Lance at naglakad na din papalayo. “Una na kami ah, message me later if uwian niyo na para maihatid kita pauwi.” ika ni Theo saka naglakad paalis. Habang siya naman ay bumaling kay Hail na grabe ang kaka bulong ng ‘SANA ALL’ sa sarili. “Tara na nga baka tayo pa ang malate nito.” ika niya sa kaibigan saka kinuha ang mga gamit at nagsimula ng maglakad papunta sa kanilang classroom. *** Nang makarating sila Theo sa classroom nila agad hinanap ng mga mata niya si Titus. At nakita niya itong kausap ang isa niyang kaklase, kaya naman agad niya itong nilapitan at tinapik ang balikat para sabihing may importante siyang sasabihin. “Pwede ba kitang makausap, yung tayo lang san kung pwede?” pabulong na tanong nito sa kanyang kaibigan. “Sure bro, gusto mo sa labas tayo magusap.” sagot naman ng kanyang kaibigan kaya naman agad silang lumabas ng room. “Uy Theo, sama ako!” narinig pa nilang sabi ni Shawn pero hindi nila ito pinansin at agad lang ding lumabas bago paman dumating ang kanilang prof. “Sorry” panimulang sabi ni Theo kay Titus. Hindi naman agad nakaimik si Titus sa paghingi ng tawad ni Theo pero alam na niya kung ano ang ibig sabihin niyon. Kaya naman pinanatili niyang kalmado ang sarili saka bahagyang tinignan ng taimtim at ngintiin ang kaibigan. “Just bring her home,,, for the last time. I guess?” sagot ni Titus saka na-unang pumasok sa kanilang classroom. Pero bago pa man siya tuluyang makapasok sa loob ay may sinabi pa muli ito. “Don’t apologize because I’m not the one who’ll cry, don’t apologize because you and my sister never had a relationship to start with. Just bring her home--please?” Hindi mawala sa isip ni Theo ang sinabing iyon ng kanyang kaibigan. Nagulat siya na hindi ito nagalit pero mas nagulat siya ng sinabi niyang “you and my sister never had a relationship to start with.” paulit ulit iyong dumadaan sa isip niya kaya naman hindi na siya nakapagfocus pa sa panghapong klase. “Mr.Alvarez!” “Mr. Alvarez!” “Mr. ALVAREZ!” Napabalik naman sa realidad si Theo ng bigla na lang siyang yugyugin ni Shawn, saka sinabing “Kanina ka pa tinatawag ni Mr.Samson.”Dahil sa sinabing iyon ni Shawn ay agad niyang tinignan ang prof nila na masama ang tingin sa kanya. “Kanina pa kita tinatawag, nag dadaydream ka ba ha!” malakas at seryosong sabi ng prof nila. “Sorry po Sir.” nakatayo at yukong sagot niya sa prof. “Kanina pakita tinatanong kung kamusta na ba ang preparations niyo for the debate next week?’ tanong muli ng prof niya sa kanya kaya naman agad siyang nag angat ng tingin saka ipinaliwanag ang progress nila ang mga preparations na ginagawa nila para sa upcoming debate next week. “You may sit down!, siguraduhin mo lang na makikinig ka na ha!” pasigaw muling sabi ng prof nila pero hindi na lang niya ito pinansin at mas tinuon ang atensyon sa labas ng classroom saka nagdadasal na sana matapos na agad ang kanilang klase. At mukhang dininig nga ng Diyos ang panalangin niya, at tumunog na din ang campus bell. *** “Vi susunduin ka nanaman ba nung kaibigan ng kuya mo?” kunot noong tanong sa kanya ng mga kaibigan niya. “Oo eh kayo ba, andyan na mga sundo niyo?” balik tanong niya sa mga kaibigan pero agad namang umiling ang mga ito saka sinabing “May gagawin pa kami.” “Huh?Ano? Bakit di ko yan alam?” nag aalalang tanong niya sa mga kaibigan. “Lagi ka kasing busy sa pag-aaral o kaya naman busy ka sa pakikipag-usap sa kaibigan ng kuya mo kaya hindi ka na nakakasama sa mga lakad nating magkakaibigan.” seryosong sagot ni Sky saka naunang lumabas ng kanilang classroom. “Una na din kami Vi” paalam pa na iba niyang kaibigan saka nagsilabasan na ng kanilang classroom. Nang tuluyang mawala ang kanyang mga kaibigan ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone saka minessage si Theo na tapos na ang kanyang klase at na hihintayin niya ito sa gate ng M.A.B building. *** Nang magtext si Vi ay agad na pinaharurot ni Theo ang kotse papuntang gate ng M.A.B. saka niya nakitang nakaupo si Vi sa staircase ng gate.Agad naman siyang napangiti ng tumayo at kumaway kaway pa si Vi sa kanya. “Ang bilis mo naman” ika ni Vi ng makitang bumaba si Theo sa kanyang kotse at pinagbuksan siya ng pintuan. “Speed lungs” maikling sagot ni Theo na may pang-gagaya sa tono ni Shawn. “Aysus, nagiimprove ka na ahh. SHAWN DE LUNA 2.0 ka na” pagbibiro ni VI ng makapasok sa drivers seat si Theo. “Wear your seatbelt” sagot lang ni Theo saka nagpatuloy sa byahe pauwi sa bahay ni Vi. Habang nasa byahe ay nagkwentuhan lang sila sa naging araw nila hanggang sa makarating sa bahay nila Vi, kaya naman ng ipinarada niya ang kanyang sasakyan ay tiningnan niya si Vi ng diretso at may seryosong mga mata. “May problema ba?” tanong ni Vi nang mapansing seryoso ang mukha ni Theo. “I’m sorry Vi” ‘yun lang ang naging sagot ni Theo kay naman mas naguluhan si Vi “Anong pinagsasabi mo Theo, hindi ko gets.” mahinahong tanong muli ni Vi pero nagulat na lamang siya ng biglang pumatak ang luha sa mga mata ni Theo. Pinahid ni Theo ang ilan luhang tumulo mula sa kanyang mata saka serysong tiniganan si Vi at sinabing “This is the last time I’ll drive you home because the next time I’ll see you, it will be the end for the two of us.” SEE YOU ON NEXT CHAPTER:))) ! PLEASE CONTINUE SUPPORTING ! - CiTrineLily -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD